1st Trimester
Share nyo naman po ano yung mga nafeel or experience during your 1st trimester ?
Laging nakahiga na akala mo lage kang may sakit.ako nun subrang init ung nararamdaman ko halos sa cr na ako tumira tuwing naliligo ako tapos lahat ng pagkain isusuka mo sabi ko nun ayaw ko na😅 umiiyak na ako nun kc d ko na kaya,paglilihi pa lang yun ah😂 sabi ko panu pa kaya pag nanganak,jusko sana kayanin ko🙏😢
Đọc thêmfirst time po, it is really hard to.deal with this morning sickness especially if we need to meet the demands sa trabaho natin sometimes yan pa ang rason kaya ako na stress kaya ako im my first trimester now in 7 weeks i.feel weak, Nasusuka, yung sa gabi umaatake ang lahat maselan sa amoy at panlasa sensitive din
Đọc thêmWala akong naramdamang morning sickness. Naduduwal lang ako sa amoy ng food pero ang takaw ko pa rin. Kaso nabedrest ako 4 weeks palang kasi may nakitang bleeding sa loob. 6 weeks at 8 weeks nagbleeding talaga ako. Kala ko mawawala si baby pero awa ng Diyos 33 weeks na kami ngayun 😊
Nung 7 weeks aq may bleeding din sa loob,pinainom lng aq pampakapit,at ngbedrest din aq...pagbalik q ob tinanong lang aq kung dinugo daw b aq kc,hindi nman...ntakot din aq nuon lalo n 1st baby q at may edad n aq 37 n aq.
Sa awa ng Diyos d ako masilan sa first trimester ko. Never nag susuka, nahilo at nanghihina. Nakapagluto pa para kina mama at papa. Naglinis pa ng bahay, nag gagala pa din at sumakay ng motor. Yun nga lang antukin ako pag sapit ng 11am-2pm🙂. Ngayon 6 months na tiyan ko.
super emotional, madalas gutom, kapag di agad nakakain parang nangangasim yung sikmura hanggang sa naduduwal na, mabilis mapagod, hindi makatulog ng maayos sa gabi pag nakatulog naman pagising gising/ mabilis magising kahit kaunting ingay..
Aq sobrang selan,ng bleeding aq ng 13weeks c baby kaya bedrest aq konting galaw q my lumalabas skin n dugo,tpos hndi din aq kumakain ng kanin ayaw tanggapin ng tummy q ang kanin at pg k2in aq ng kanin sinusuka q LNG din,at tamad din aq maligo parang lagi aqng nilalamig
Hindi nman aq ngsusuka,hindi din aq nghahanap ng pagkain...kaso ung dting gustung gusto q kainin ayaw kuna kainin ngaun,palagi din aq gutom pero pag kumain nman konti lang kc parang laging puno sikmura q,nhihirapan din aq sa pg poop...at palaging masakit ulo q
Hindi naman ako masyado maselan basta kapag may na isip akong gusto kong kaninin gusto ko meron na agad, tuwing umaga din bloated tapos panay utot din haha pero hangin lang sya walang amoy tas tamad. 11weeks
Nako ang hirap. Di ka makakain ng ayos dahil suka ka ng suka tapos nahihilo. Ang dami kong food na di ko nagugustuhan kahit paborito ko dati. Nakakaranas ng panghihina pero medyo naging okay na nung pumasok ng 15 weeks.
Nasusuka sa gabi, puro hangin tyan, utot ng utot, parang araw araw na impacho. Pimples, mood swings, tumaas sugar kasi puro carbs kinakain. Nag iba yung taste sa food, sensitive yung pang amoy at pandinig.