DISAPPOINTED
AKO LANG BA? YUNG NAG EEXPECT NA POSITIVE TAS ITO LANG YONG LALABAS? ???? BAT YUNG NAG PAPA ABORT PA ANG BINIBIGYAN?? ?


Don't lose hope. Kami matagal din naghintay bago mabiyayaan, more than 4 years! At hindi talaga sya expected. 1 year into marriage, nagdecide kami magpa-workup. Sa side ko ang problema. Marami kasi akong health issues. Almost 3 years na pero wala pa din. Nakakapagod, nakaka-frustrate, lutong-luto na ang katawan ko sa gamot, at higit sa lahat, drained na ang bulsa. Kaya sabi ko kay hubby, tama na. Tigil na kami sa workup. What we did was focus on our relationship. Sabi ni hubby, may anak o wala, magiging masaya ang pagsasama namin. We agreed na alisin na muna namin sa isip yung paggawa ng baby. When we have sex, the goal is to pleasure each other rather than to make a baby. Kasi pag sabik kayo magkaanak, pag nagse-sex kayo, ang nasa isip nyo ay yung baby na mabubuo di ba. Parang ginagawa nyo lang yun para magkaanak. So inalis namin sa isip ang ganun. Tapos binawasan namin ang pag-uwi uwi sa hometown namin na 2-hour drive. Ginawa naming twice a month ang uwi para hindi pagod ang katawan. We either stay in the house o kaya pasyal sa mall para magrelax at magbonding. Itinigil ko na rin lahat ng mga gamot na reseta sa akin. Nagsearch na lang ako sa internet ng mga supplements na iinumin namin ni hubby. Tapos clean eating. Iwas sa mamantika, maalat. Kailangan may fruits and veggies everyday. Naging mas masigla ang buhay namin kasama ang dalawang aso namin. 😁 After a few months, bigla na lang naging weird ang pakiramdam ko. Nasa sinapupunan ko na pala sya. Naging mahirap ang pregnancy ko. 8th week until 37th week, bed rest ako. Siguro try mo din magrelax sis.. Kasi proven na masama ang stress sa katawan ng tao.
Đọc thêm