miscarriage

Hello po mga kamomshie kwento ku lg po ang pagbubuntis ko hanggang nakunan ako??? Sobrang sakit hirap tanggapin ang tagal tagal na naming nag hintay magka anak ng Mr. Ko . 5yrs nakmi bilang mag asawa halos sinubukan na nming lahat para maka buo pero wala parin . Thanks God na binigay mu ung matagal na nming hinihinge sayo JAN 15 2020 yes finally nalaman nming buntis  ako nagpahilot ako pero hindi un ung entensyun ko para malaman kundi nag pahilot ako sa tiyan kasi alam ko nalamigan ako kasi kktpos ko naglaba at napadami at sobrang skit din . JAN 15 2020 pinaka masayang annoucement sa buong buhay ko  Buntis ka neng alangan muyan ah❣?? So yun sobrang saya namin kasi finally nabigyan nakmi ? Jan 29 2020 ng grocery kami ng hubby ko kasi malapit na siya mag flight Feb 04 2020 . So yun bumili kmi ng grocery para diku kailangan mamalengke . pag kauwe namin ung pamangkin nya nasipa ako sa tyan 2x at nasuntuk ako sa tummy .(Age4yrsold) Piningilan ku kasi siya tumawid sa kalsada napakadami pa naman ng sasakyan yes tabi po kmi lg ng hway naka  sakto naka open ung gate namin that day .So yun after nun bigla akong nakaramdam ng pananakit ng balakang ng CR ako pero napa OMG ako as in napalaki ang mata ko lumabas ako agad ng CR na umiiyak nagulat sakin Ipag ni hubby syempre pati siya puros siya tanung bakit anung nagyari . Huminga ako nun umiyak ng umiyak . Pero di ako nawalan ng pag asa nagpalit ako ng underwears para magpatakbo ng hospital . Agad naman ako tinakbo ni hubby sa clinic ng bayan namin Malayo pa po kasi ang Hospital samin . Wala kaming na abutang dr at kulang daw po sila ng gamit ? so yun bumulwak na ung dugo at sobrang putla nako at na nginginig na ? Thankful kmi sakto dun  ng wowork ung tita ni hubby pinatawag nya agad ung ambulance para itakbo ako sa hospital dumaan pakmi saknla para mag palit ng napkins hindi naman as in madami lumalabas skn na blood . Pagdating namin sa hospital matagal pa ung DR kasi wrong timing na nmn kmi may meeting daw lahat ng OB . 12noon to 5pm kmi sa hospital yes unti nlg mahuhulog na ung fetus sakin kaya I.E sabay turok sakin pang pakapit 2x then ultrasound 5weeks na sj baby. MABABA KASI MATRIS KO AT SOBRAG SELAN KO at may SHC ako kung saan ung placenta may buong dugo sa tabi ni baby 2cm sabi skn ng DR. ThanksGod walang nagyaring masama samin ?? . FEB 04 flight na ni hubby (OFW TAIWAN) hinatid kupa siya kahit 9hrs ang byhe manila to province namin . Safe po kaming nakarating sa Manila wala po akong naramdamang ibang maskit kasi kinakausap ko ung nasa tummy ko . Kapit kalang ng mahigpit jan hatid natin si daddy always kung sinasabi . OKAY NAMAN ANG LAHAT HANGGANG MAKA UWE AKO . Feb14 umuwe muna ako samin para ma kasama naman ako sa bahay namkn kasi sa bahay nmin mag asawa mag isa kulg taas baba pa ako (2ndFloor) . Sobrang hirap ang paglilihi ako  pag diku makain ang gusto ko bleeding naman ako . Hanggang 3mnths ganun . 2nd ultrasound (MAY 12 2020 20weeks) ko nagulat ako twins ang baby ko (Boy&girl?) may ganun pala hindi muna makikita sa unang ultrasound. Kasi bigla lumaki ang tyan ko 2mnths plg ksi malaki na . Sobrang blessed naming mag asawa parang nasa amin ang lahat ng nalaman namin madami din ng ssbi na kambal kasi 1st dinig ng miwife at Dr ko . Dalawa ang naririninv na hbeat? . Pero lahat pala ng saya may kapalit na sobrang sakit ?  . Hindi masyado makapit ang babies ko at hindi kaya ng cervix ko at katawan ko ung pag bblood ko palagi sign na 30%makunan ako? Nag tatake ako ng gamot pangpakapit kahit sobrang mahal diku un inisip . Inisip ku buhay ng nasa tyan ko . After 5dys may discharge ako na brown at sumunud dugo na . Nagmadali ako ng punta ng OB ko . Ilng minutes nlg dw lalabas n dw sila. Iyak na nmn ako pero nilakasn ko loob ko . Turok n nmn pagpakapit .? Umuwe ako nanguha nadin si mama ko ng katulong ko sa bahay para hindi nako mag kilos kasi bedrest lg talaga ako dapat . Okay naman lahat nakadaan ng araw. (MAY252020) kggising ku umihi ako may lumabas skn na discharge na sobrang dulas diku naman pinansin un sabay ligo ako nun . 10am na na?? ako so pumunta ako sa CR para mag ?? . Then may lumabas skin 3x so succes kako sa self ko (flush ) wala sa isip ko tignan ung inodoro. After huminga ako relax lg ako then after 5mins napa upo ako sa bed ko parang basa panty ko so tinignan ko agad OMG puno ng dugo as in puno ang dugo tumagos pa sa short ko at bed ko . SO nag panic ako uminom ako agad ng Medicine pag pakapit nagpatakbo nako sa OB ko kasi diku na kaya nanlalamig ako na sobrang sakit ng puson at balakang ko .. so pagdating namin sa OB ko sabi agad skn pasuk kana humiga kana alam ku anung nagyri sabi skn dipa ako ng sslita? tinurukan ako agad ng anestisia para iraraspa nako? Diku matanggap sarili kung babies na iflush ko sa CR ?? so magdamag ako ng stay sa hospital . Sobrang sakit? saming mag asawa syempre ilng taon nmin hinintay magkababy at nung nalaman namin feel na feel ko na ako na ung pinaka masayang babae sa mundo ?Tears of joy that day?lalo nung nalaman naming twins .Girl&boy po sobrang hirap tanggapin na binawi agad samin ?? mas naawa ako sa hubby ko sa taiwan kasi wala siyang pamilya para mag comfort sknya dun eh sakin madaming mag aalga sakin ? alam kung battles life naming mag asawa 2? Sana mapansin nyu po 2ng last post ko . ?

miscarriage
126 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Condolence po.. same tayo nag incompetent ako sa first baby namin 19 weeks ipinanganak ko na siya last yr nov.10.. 4 yrs of waiting tas kinuha din kaagad siya sa amin.. pero wag ka po mawawalan ng pag asa.. after ko maraspa 3 months nagbuntis na ulit ako.. 3 months na kami ni baby.

5y trước

Godbless din po and pakatatagka lang pa sis..

Same naflush ko dn sa toilet ung 2nd baby ko .. diko alam na baby na pla un..hanggang lagi ng may umiiyak na baby sa cr😭 pati mga kapit bahay namin narrnig ung iyak😭kaya lagi ako nag sisindi ng kandila sa cr.. sabi ng tta ko bgyan ko ng pangalan at padasalan sa church

5y trước

😭💔

Condolence mommy. Be strong. May God give you all the comfort and healing na kailangan niyo ngayon. May taga pagbantay ka na na angel. Lift all your worries and sorrow to God magtiwala ka lang na sa tamang panahon bibigyan rin niya kayo ng anak. In His perfect time. Hugs!

5y trước

thankyou 💔😭 Godbless you 😇

Nakakarelate ako mamshie. Same experience with twins bb boy pareho. Nakunan dn ako by 22weeks..now 34weeks preggy nko bb girl naman.. Maselan tlga kpg twins eh. Dapat tlgang bedrest..sa ngaun mamshie rest ka muna and make ur uterus healthy..pray pray lng tyo lgi..🙏

Sorry mamsh... sorry for your loss 😔 Please pray for strength. Pray ka lang mamsh. Alam ko walang makaka alam eksakto kung gaano kasakit ang nararamdaman mo ngayon.. Kapit lang.. Kapit ka lang kay Lord. Maniwala ka lang sa mga plans niya. Wag ka mawalan ng faith.

5y trước

Thankyou somuc😭💔 Godblessyou too always😇

Be strong lang po Momsh, same po kayo ng sister ko, first baby niya din kambal nakunan siya, then yung 2nd babae nailabas niya ng 7months via Cs 1week lang tinagal kinuha agad sa kanila..Have faith lang po kay God, bibigyan niya rin kayo sa tamang panahon.

5y trước

Thankyou 😭

Naiyak po ako😢 Wag ka mag alala mommy... Darating din xa para sa inyo😢 nakakalungkot lng kasi ang tagal nyong hinintay pero hindi pala para sa inyo... Hinihiling ko na sana mabigyan kayo ng anghel ni God😇 keep on praying lng po😇

5y trước

Thankyou 😭😔 godblessyou😇

Condolence to your two little angels....ramdam ko po ung pain, kahit hnd p ako naka2experience makunan,,,in just one shot two angels ung nawala...be strong mommy,,,malay nyo po, may dumating ulit n blessing sa inyo...Pray lang po..

5y trước

Thankyousomuch😔💔😭😭😭 godbless

Hala mommy pinakamasakit talaga ung ganyan. Ako din muntik na ako malaglagan sa sobrang depressed kasi puro kami away ng live in partner ko. Pero blessing sakin na kahit wala akong tnetake na pangpakapit eh kumapit talaga si baby

5y trước

ilang weeks kna sis?nagspotting ka ba?what did u do?

I'm so sorry for your loss 😔 Sorry to say pero medyo pahamak pamangkin mo. Next time po na mabuntis ka (i'm sure makakabuo ulit kayo 🙏🏻), iwas ka po sa mga ganun klaseng activities na pwede matamaan ang tyan mo.

5y trước

Thankyou 💔😭 godbless