ANAK SA UNANG KINAKASAMA

Sino po dito yung partner nila may anak sa una? Kamusta po ugali nila? Every Sunday kasi off ng asawa ko. Yes, asawa po kasi kasal kami. May anak po sya sa una nyang nakalive in at 7 years old na. Every Saturday night is sinusundo na ng asawa ko yung bata at ibabalik ng Sunday ng gabi sa nanay. Nagstart po last year yung ganitong set up. Yung bata po is medyo may attitude. May anak na din po kami ng asawa ko. 2 years old. Same silang girl. Every time na nandito yung bata, lagi nyang nasasaktan anak ko. May mga times na umiiyak anak ko dahil nakikita ko na lang na tinutulak sya, pinapalo o kaya inaagawan ng toys ng bata. Sinasabihan din na ugly yung anak ko. Noong una nakakapagpasensya pa ko. Kinakausap ko yung bata na wag gawin yun sa kapatid nya kasi bad yun. Ang ending mag iiyak yung bata at sasabihan akong evil witch. Kaya kami ng asawa ko ang nagkaka away lagi dahil akala nya pinapatulan ko yung bata. Last week napuno na ako. Tinulak na naman nya anak ko, nauntog sa may pader tapos tawa sya ng tawa habang iyak ng iyak yung anak ko. Akala nya hindi ko nakita, kaya napalo ko talaga sya. Ang hirap mga momsh

39 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Haaayys hirap ng ganyan , ung asawa ko may anak din sa una dalawang babae isng 7 yrs old and 4 yrs , un nga iniisip ko kapag sumama na ko sa knya sa china sana mabait anak ng asawa ko sa una ! Pagganyan sis sguro tinuturuan yan ng nanay nya , kaya ganyan ugali nung bata .

Ipaliwanag mo nalang ng maayos sa husband mo mamsh. Sabihin mo ng maayos. Ipaliwanag mo na saka nlang ung ganyang set up kapag malawak na mag isip at medyo matured na ung panganay nya. Kasi at risk din kamo c bunso. Baka kamo ngseselos ung anak nya sa bata kaya ganun attitude.

yan ang malaking problema kasi mag aaway kayo ni hubby dahil sa anak niya kaya mga anak ng hubby ko nasa unang asawa maldita din kasi panganay sabi ko wag niya dalhin dito baka un pa dahilan kako ng pag aaway nmin.. nasusul sulan yan ng nanay kaya ganyan ang bata sayo

Nandun yung part na anak niya yon. Pero mas kilala anak niyo kase nga kasal kayo. Kailangan mo din mag desisyon. Kase kung anak ko inaaway ng unang anak ng asawa ko. Dina pwede saken yon. Lalo na kung may ugaling pangit. Dapat pag usapan niyo kawawa baby mo.

Depende po kasi yan momsh, kung may attitude si 7 years old girl, nasa pagtuturo yan ng nanay nila. Alam mo na, may ibang turo silang "bad" sa mga anak nila na "ganto gawin mo pag nandun ka". Or nainfluence lang ng ibang kamag-anak kaya may attitude din.

If it already happened more than once, I think it's a sign na rin na dapat ay hindi magkasama yung dalawang bata. 'Pag nanjan yung isa, 'wag mo iwan yung baby mo. Make sure na lagi mo syang kasama. Let your husband take care of his child.

Actually normal yung ganyan sa mga bata na sanay na only child lang.. pero sabihan mo rin. Ako kasi nung bata ako, pag may baby, dinadapa ko minsan pinapalo palo ko rin.. kapatid ko pa na buo. Sabihan lang yung bata

Mag set ka camera, para ma caught on act para maintindihan ng asawa mo kung saan ka nanggagaling. Mahirap yang ganyan. Lalo na mukhang di naman napalaki ng maayos anak niya sa una, based sa kwento mo.

Bantyan mo nlng un baby mo wag mo hyaan mklpit ng wlng nktingin kc nsasaktan nun kptid. Disiplinahin nlng un isa n msma saktan un baby sister nya wag n kmo uulitin.

Thành viên VIP

hirap nang ganyang sitwasyon po. kung ako nasa sitwasyon na nd naniniwala ung partner ko sa ginagawa nang bata.. videohan ko para may ibedensya..