Sino po dito nag ka Jaundice baby nila?

Sino po dito may jaundice baby? Nanganak kasi ako ng March 28, 2025 at hindi agad kami nakalabas ng hospital gawa ng sinalinan ako ng dugo dahil madaming nawalang dugo saken so hindi sya napaarawan agad. Then after ilang days napansin ng live in partner ko yung eyes na madilaw dilaw una akala namin dahil sa ilaw ng ob ward pero nag consult paren kami sa pedia nya then pinakuhanan sya ng dugo para makita kung gaano kataas yung bilirubin nya from 12 bilirubin 3 days phototherapy to 13.55 bilirubin. Ftm btw, pina admit na sya ng pedia kasi imbis na bumaba e tumaas ngayon mag stay pa kame ng 7 days sa hospital for antibiotics. Pwede den ba maka apekto yung naka poop na si baby sa loob ng tummy ko bago sya naka labas? Nag woworry kasi ako, di maktulog at makakain lagi den akong praning😭

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

nagpoop ang anak ko bago sia lumabas from my tummy. nag yellow ang skin nia after 2 days. naphoto therapy sia ng ilang araw sa nicu kaya hindi muna ako umuwi. hindi naman sia tinest for bilirubin. na-discharge kami, wala nang yellow sa skin nia pero yellow ang eyes nia. pinaarawan namin sia everyday until nawala ang yellow sa eyes nia. dun nga rin ako natakot kasi mejo matagal nawala ang yellow sa eyes nia pero nawala rin, eventually. continue ang milk feeding ni baby para maremove ang bilirubin. may mga cases na breastmilk jaundice kaya need mag formula milk, instead of breastmilk, para lang maremove ang bilirubin.

Đọc thêm
4mo trước

ahh nawawala naman na yung sa katawan nya pero yung sa eyes nya meron paren at 7 days antibiotics pwede na kame umuwi sabi ng pedia. ilang araw nawala yung yellow sa mata ng baby mo? nakaka worry kasi ftm