40 weeks and 1 day pero wala pa din kinakabahan na ako 🥲
No signs of labor
kaya natin to mga mhie..ako nga medyo hindi na ako comportable kasi na pepressure na ako pero okay lang palagi ko nalang kinakausap ang baby ko..,,mahirap din kasi sa situasyon ko na bumalik sa Ob ko kasi more than 3 hours Pa po ang kailangan ko e byahe bago maka rating sa Ob ko ,,kahapon pumunta na ako sa centro para ma monitor ang heart beat ni baby ,,sabi ng midwife okay naman daw ,,pero pag di parin ako manganak till May 22 ,kailangan ko na uli bumalik don para ma decide kung e induce naba ako or Cs.Sana maka raos na tayo mga mhie kasi habang tumatagal mas lalong kumalaki c baby mas mahihirapan tayong e iri ito pag ganun😂 pero okay lang pray lang tayo palagi..
Đọc thêmsa akin po 39 weeks and 1 day.nung nanganak ako, light to moderate ang contractions, since nagpa IE ako 1 weeks before ako manganak 1cm until maconfine ako dahil bumababa na ang water level ko 1 cm parin, tinurukan na ako nang pampahilab 1cm parin kaya nagdecide na ob ko na cs ako kasi nastress na si baby sa loob ko, btw 1st baby din po, ang now 2 weeks 5 days na po baby ko ps. since na ie ako nang ob ko until maadmit ako sa hospital ginawa ko na lahat nang paraan for a week exercise and lakad lakad, maliit po talaga sipit sipitan ko kaya na cs ako
Đọc thêmako naman 39 weeks and 5days na ngayon araw, first time mom din ako, hnd pa rin ako nanganak, closed cervix pa nga, pero nung 39 weeks and 1day, bigla ako nag spotting, bright red pero nung na IE ako closed cervix, weird.
Next week induce labor na ako pag wala talaga progress. Ang iniisip ko nalang kung kaya i-normal delivery baka kasi malaki na sya.
same Tayo mhie..akin wala padin sign of labor FTM po ako at 40weeks na ngayon.,,palagi lang sumasakit yong tyan ko ,minsan yong pwerta parang tinutusok ng kung ano pero wala naman pong discharhe na lumabas ,,
kakapa IE ko lang kahapon mi, 1cm palang ako sa monday malalaman ko kung for induce na or maghihintay pa ng ilang araw
40 weeks and 4 days 😭 wla pa dn puro lang paninigas at prang tumutusok sa pempem ko bukas pa balik ko kay OB 😢 close cervix pa nung nakaraang biyernes
magbigkis ka po para bumaba cxa.
Nah ako po no signs of labor but one day bigla nalang nagkaron hehehe at nanganak the same day.. kay wag po ma pressure
38 weeks 3cm nako pero no sign of labor. White discarge palang lumalabas sakin
malapit na po yan observe mo lang po🙂