Girl o Boy?
Share ko lang po. Nagpa-ultrasound(CAS) ako last week para makita ko kung normal ba si baby at syempre kung ano gender nya. GOODNEWS: Normal daw lahat. Kumpleto. Thank God. ? BADNEWS: Ayaw ipakita ni baby yung ari nya. ? Naka-cross legs daw sya. Excited pa naman kaming malaman yung gender nya. Kaya sabi nung OB balik daw kami nextweek. Edi bumalik kami kahapon para icheck ulit gender ni baby. Nakakaexcite ulit. Nung inuultrasound na ko, sabi ni Doc naka-cross legs nanaman si baby. Inuuga na nga ni Doc yung tyan ko para gumalaw si baby. Kaya lang ayaw talaga ipakita. Tinatakpan nya talaga. ? Kumain naman ako ng chocolates bago iultrasound. At kinakausap ko din si baby na bumukaka na. Yung feeling na excited kanang malaman yung gender ni baby kaya lang ayaw talaga nya ipakita. Kaya pinapabalik ulit kami nextweek. Sa tingin nyo po ano gender ni baby ko? Girl o Boy? TIA ? #25WEEKS