Sharing my experience
#sensitivejourney #firstbaby #1stimemom Hi mga mommies, share ko lang medyo long post po ito. 7 years mahigit na kami ng LIP ko at wala pa sa isip namen mag ka baby ang nakatatak sa isip namen na "ibibigay din ni god sa tamang panahon" btw mag 25 palang po ako then 24 po ung lip ko. Fast forward-- Nov 29 or dec 5 last period ko December 18 2nd doze ng vaccine ko So ayun.. nag pasko nag new year iba na pakiramdam ko january 5 hindi parin dinadatnan ang lola mo nag PT agad ko Two lines mga momsh! Akalain mo sa 7 years ngayon lang binigay ni god so ang lola mo tuwang tuwa hindi makapaniwala hindi pa nakuntento sa PT nag pa Serum test din ako at ayon postive na nga!! Kinabukasan nag punta na agad ako ng lying-in para mag pa schedule ng trans-v (ultrasound) tapos niresetahan ako ng gamot.. January 14 During ultrasound nakita nila dalawang GS Yung isa buo ung isa wala pa medyo maaga pa daw kase 6w4d ako that timeand wala pang heartbeat tuwang tuwa kase #kambal January 18 nag decide ako na mag palit ng OB lying in to hospital, tapos ayon kinausap ako ng ob ko then sinabe ko nga wala pang heartbeat tapos chineck nya sa fetal Doppler sobrang lakas ng heartbeat ❤️❤️ January 22 ultrasound ko ulet at ayon 7w5d wala parin heartbeat medyo na ppraning na ko that time kase laging ultrasound tska walang heartbeat.. February 18 dumating ung kinakatakutan ko nag spotting ako dark brown 11am then 1pm pag ihi ko dun na umagos ung dugo parang regla na, dinala agad ako sa ER 11w5d po ako nyan tas ultrasound ulet nag dadasal ako na sana kahit ung isa nalang ibigay sakin aalagaan ko iyak na ko ng iyak after ng ultrasound ko ayun sinabe saken na walang heartbeat pag balik ko sa room dun na sinabe saken na #embreyonicdemise parang binagsakan ako ng langit at lupa, hindi ako makapaniwala ang daming tanong sa isipan ko na bakit ako? Halos sinisisi ko sarili ko kung anong bang nagawa ko? Kinakausap ako nung nurse halos hindi na ko nakakapag salita iyak nalang ako ng iyak. Tapos kinausap ng nurse ung lip ko na need ko ma raspa/D&C close pa cervix ko kaya nag decide muna kame na umuwi.. February 23 hindi parin ako nararaspa and still close parin ang cervix ko ang payo saken ng Ob ko sa ospital antayin bumuka ung cervix bago ako raspahin, nag pa cvc test ako then may nakitang impeksyon sa dugo ko kaya nag hanap agad kame ng murang raspa sa lying in 15k ang singil kumpara sa ospital na 50k.. Binigyan agad ako ng room sa lying in para bigyan ako ng pampahilab at ung pinapasok sa pwerta na gamot para bumuka ung cervix. Halos 13 hours ako nag llabor kasama ko LIP ko parang nanganak din ako mix emotions masakit na d mo alam last na ire ko nailabas ko na si baby halos mangiyak ako kase hindi ko inexpect na ganon ko sya ilalabas 😭 Tapos ayon kinabukasan prenepare na ung d&c.. Dito na po natatapos Ngayon natanggap ko na, binigyan kami ng dalawang anghel para may gumabay saamin ng lip ko kahit sa maikling panahon pinaranas samen ng dalawa kong anghel na maging magulang kame. Kaya mga mommies kung nakaranas din kayo ng ganito wag kayong mawawalan ng pag asa binigay sila ng diyos dahil may purpose ang diyos saten hindi pa huli ang lahat.. 👼🏻👼🏻 Planning again this year for our rainbow baby 🌈