Sa mga CS moms, ilang araw bago kayo nakatayo?
Sa mga CS moms, ilang araw bago kayo nakatayo at nakalakad. 1 day palang ako pero di ko talaga kaya yung sakit 😭 Any tips po
Ganyan po ako mangiyak ngiyak pero sabi nga ng nurse sakin if di ko tutulungan sarili ko sino tutulong kaya namotivate ako kaya nun lumabas husband ko sa hospital e pinilit ko tumayo at maghilamos pero after nun parang medyo kinakaya na 💪
pag tanggal ng catheter mommy kailangan mo na tumayo para umihi at tumae .. kase kapag ikaw ay hindi kapa nakakaupo sa loob ng 6hrs pagkatapos mo ma CS ay pagagalitan ka ng nurse dahil hindi daw maaayos yung bituka mo sa tyan .
same day din after tinanggal ang catheter. not sure kung mataas lng pain tolerance ko pero di ko maalala na makirot ang tahi. recovery was easy for me kahit ako lng nag aalaga kay lo. sna makayanan mo din momsh.
Pang 3rd day na ko nakatayo kasi di ako allowed tumayo agad dahil kow blood ako 3rd day pagtanggal ng catheter ko nakatayo na din ako para mag cr need lang talaga ng alalay kasi masakit talaga sa una
The day after the operation po pinatayo and pinakilos ako ni OB since kelangan daw yun para gumana yung system natin. Sobrang sakit po talaga pero need natin tiisin momsh 🧡 you can do it momsh
Within 24hrs unti-unti na Kong bumangon sa bed, then umupo upright para na rin maka utot and makakain na. Mas tatagal kasi recovery mo if you'll baby the pain and let it overwhelm you.
Pagtanggal ng catheter hehe pero bago pa po makatayo nakakaupo upo na ako :) Ingat po and wag po pilitin ang sarili kung hindi niyo po kayaaaa :) God bless po
2nd day po mi, kahit mangiyak ngiyak ako dahil di ko pa kaya pinilit ako sa public na bumangon umupo at tumayo kinabukasan pagtapos ko ma cs 🥹
pag ka hatid saakin sa ward after 3 hrs umupo na ko. Then after matanggal catheter nakatayo na ko. need kumilos kasi sa public ako nanganak.
after 24hours nun na cs ako mamsh nakatayo nako kaylangan e para mas mabilis makalabas. kaya mo yan basta little by little ang galaw.