hilot 33 weeks
Pwede Po ba magpahilot ang buntis kasi last ultrasound ko breech si baby nung October pa po yun ngayon sinabihan ako uli ng OB ko na magpa ultrasound uli, pwede ba magpahilot bago magpa ultrasound? #f1sTymMom
hi breech presentation pa siya pero ngayong 37 weeks na ako, last ultrasound umikot si baby. ang gawin mo po, magpa music ka then lagay mo po sa may banda puson mo everyday para ma-encourage si baby umikot at sundan yung music or maybe flashlight method, flashlightan mo tyan mo bandang puson since sensitive na mga mata nila sa loob, pwede nilang sundan yung light. samahan mo rin po ng mga exercise or yoga exercises, hanap ka po sa youtube ng videos na madadali at safe yoga poses para umikot si baby. and kung may budget ka, invest ka na rin po sa yoga ball, makakatulong sayo yon. yan lang naman ginawa ko non, then now ready to push na kay baby! good luck mommy, kaya mo yan! 🤍🥹
Đọc thêmmommy, wag na pong ipahilot si baby at baka mapano po siya sa loob. ang gawin niyo na lang po magpa music kayo then lagay sa puson everyday, search ka ng mga exercise or yoga poses na pwedeng magpaikot kay baby, or kung may budget kahit papaano mura lang ang yoga ball, makakatulong ng sobra sayo yon. lakad lakad ka na rin po, then pwede rin flashlightan mo tummy mo bandang puson kasi pwede nilang sundan yung light since sensitive po sa light sila baby sa loob. lahat po ya ginawa ko, ngayon cephalic na si baby
Đọc thêmNaku mhie wag mong ibalak magpahilot delikado po yan baka mapano pa si baby. Gawin nyo po magpatugtog kayo ng music sa may bandang puson o gumamit po kayo ng flashlight para sundan ni baby sa baba. Sabayan nyo narin ng dasal at lagi nyong kausapin si baby na umikot po sya. Sa akin nga po puro breech din noon kada ultrasound ko tapos ganun lang po ginawa ko awa ng Dyos nung nag 35weeks na ako umikot na sya 🙏🏻🥰 pray lang mhie iikot pa yan!
Đọc thêmWag na po magpahilot. Same tayo ng case, breech din ako nung 32weeks. Finollow ko advice ni doc na magpamusic sa puson and magwalking. Binawalan talaga yung hilot. Ngayon, 37weeks na ako. Thank God, nasa tamang position na c baby. Cephalic position.
Yes po. 29 weeks here kapapa hilot q lng po. Basta dun po sa maalam, at tlagang certified manghihilot ng buntis. Sa panganay q po nagpahilot din aq.
Wag magpa hilot di naman advisable yun baka mapanu pa placenta mo mag bleed ka sa loob. Music and kausapin mo si baby.
wag na po kase yung baby ko 37 weeks siya nung pumwesto na
hnd na inaano ang hilot at baka madurog pa bahay bata mo
Wag na wag po. Baka magsisi po kayo in the end.
no napo