Plss helppppppp

PTPA Mga momsh badly need your advise baka merong same case sa kapatid ko. Bale kapatid kong lalaki is nakabuntis minor pa sila nung GF nya that time. 1yr old iniwan ng EX.GF ang pamangkin ko samin at parents ko ang nag-aalaga sa pamangkin ko na 8yrs old na ngayon. BTW hindi po naka apelyido sa kapatid kong lalaki ang pamangkin ko. Ang nanay is hindi din nagpaparamdam samin or let say kinalimutan ng may anak sila. In short buhay dalaga. Ang kapatid ko nagwowork naman ever since. Here is our problem. Madami ng naging GF ang kapatid ko, Pero itong pinaka recent GF nya is masasabi kong tlagang nainlove sya kasi minsan hindi na umuuwi ang kapatid ko sa bahay ng parents ko. Kulang ang attention nya sa anak nya. Na kahit mismo pamangkin ko magrereklamo na kasi nga parang mas may time pa ang kapatid ko dun sa GF. Ilang beses na namin pinagsabihan ang kapatid ko na priority nya dapat ang anak nya hindi GF. Pero wala mas nagagalit sya samin at nawalan na sya ng respeto sa parents namin at saming kapatid nya. Gusto na namin palayasin ang kapatid kong lalaki apartment nila mama, at dun na sya sumama sa GF nya total parang mas importante na ang GF nya kaysa samin at sa anak nya. Balak namin ipa brgy ang kapatid ko at mag sustento na lang sya sa pamangkin ko. Nasstress na din kasi kami sa kanya. Sa tingin nyo pwede kaya makuha ng parents ko ang legal guardianship kahit hindi naka apelyido sa kapatid kong lalaki ang pamangkin ko? Pls I need your advise po para bago kami magpunta sa Brgy may idea na kami. Maraming Salamat po!

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ha? gulo mo sana sinabe mo na lang na apo ng nanay mo yang bata na pamangkin mo 😅😆 kung ganon gagawin nyo nakakahiya lng pipilitin nyo ung kapatid mong ayaw mag suporta at gsto unahin jowa. d kayo magulang sya kase nasa puder nyo kaya kausapin nyo na lang kung wala kunsensya yan e wala.

2y trước

naku naka ilang usap na kami sa kapatid ko sadyang nagagayuma ang utak kapag nagkaka GF. Sya pa galit kapag pinagsasabihan namin. hindi na din sya nakikinig sa parents namin. Kaya nga kung ayaw naman nya sumumod sa parents ko edi palayasin na lang sya total mas unahin nya ang GF kaysa sa anak nya. isa pa tong Ex GF nya wala din pakielam, pareho lang sila. kawawa ang pamangkin ko parehong mga may tupak ang parents nya. Pano na kang if wala ang parents ko san pupulutin ang pamangkin ko. hayss kaya sa mga may anak dyan bago kayo makipag jowa unahin nyo muna ang anak nyo.