Pwedi padin po bang mag buntis ang MGA irregular ang regla? Salamat po SA MGA makakasagot

Pregnancy

37 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Yes po. Was diagnosed with PCOS at 2015. Namiscarriage nung Feb 2021. Preggy at 34 weeks and manganganak na sa October 2022. Don't lose hope! Itaas mo kay Lord, mamshie!

yes po may posibilidad paren po, irregular din ako minsan 5months hindi ma datnan at may pcos pero na buntis ako. kilangan monitor lang every month sa pag pt.

yes po perfect timing po. but paalaga kayo tulad ng sinasabi ng iba nating mommy. ako kasi irreg ako pero agad naman nagbuntis nung nagplan na magka baby

di naman po puro pcos kasi ako irreg din at wala namang napag daanan (idk why?) pero ngaun 27weeks na ang tyan ko 😊 lets think positive po😊

opo naman. ako nga po irregular mens at may PCOS both ovaries. pero buntis na po sa 2nd baby. medyo natagalan nga lang po bago nasundan si baby..

Ako ganyan din Po irregular piro thanks sa panginoon dahil binigyan nya ako ng blessings.23 weeks and 4 days na baby ko now sa awa ng dios.

Influencer của TAP

Opo. Ako since nagka-period irregular na. Natanggalan pa ng right ovary, yung natira may PCOS pero 3 mos. lang nabuntis agad ako. 🥰

yes, since 2013 irregular mens ko. 2021 napreggy ko kaso nakunan then Dec 2021 bumalik ulit sya. Tapos yun nanganak na ko last Aug 2022

Ako 5 months walang regla then sa 5th month nalaman ko na buntis ako ng 2 months, irreg ako. Ngayon Sept 2 months na baby ko 🙄

yes mie. magpaalaga Po kau sa ob. si Coleen Garcia Po may PCOS din un pero nagkababy na later on nung naubusan sya ng pills.