kalacngan
Hello po..posible po bang ndi maalala ng taong lacing ang kanyang gingawa at nwawala sla s katinuan..?
Possible po na wala kang maalala kapag sobra yung ininom mo sa kinakaya ng katawan mo. Yan din sabi ko dati. Na kahit anong lasing ng tao imposible na hindi nya maalala yung ginagawa nya until it happened to me noong college pako. Halo-halo yung ininom ko tapos di ko na namalayan nagblack out ako. Nakita ko nalang yung pics sa cp ng friend ko and video na parang baliw na pala ako sumasayaw mag isa. Mga 30 mins na wala akong naalala. Hanggang ngayon tinatry ko irecall pero wala talaga akong maalala. Sobrang nakakahiya. Kaya wag na wag kayo iinom ng sobra sobra. Kung naalala mo pa lahat ng ginagawa mo habang lasing ka, ibig sabihin di mo pa naranasan yung uminom ng extreme talaga.
Đọc thêmYes lalo na kapag lasing na lasing ka. Lasinggera ako dati nung wala pa akong anak. May iba't ibang stage ang pagkalasing. May lasing ka na alam mo ginagawa mo at maaalala mo pa yung nangyari yan yung may konrtol kapa sa sarili mo pero syempre epekto ng alak gagawin parin kahit mali kasi nakahiram ka ng tapang sa alak eh. May lasing naman na wala talagang maalala as in waley at hindi na alam ginagawa pero yan yung hindi kana mapakikinabangan kahit na may maghubad pa sa harap mo wala na talaga susukahan mo lang yan o tutulugan hahaha.
Đọc thêmPara saken po. Hindi. Tinry ko na ngang magpakalasing noon para lang malaman ko kung totoo na hindi ko maaalala yung mga ginagawa ko pero hindi po e. Kahit lasing na ako nakauwi pa ako sa bahay namin at alam ko lahat ng ginagawa ko (yung pinag inuman ko noon need mo pang sumakay ng jeep papuntang terminal ng bus and pagbaba ko po ng bus sasakay pa ng trike). Kaya hindi po maidadahilan saken na lasing sya kaya d nya maalala yung ginagawa nya lalo na kung yung kalokohan na ginawa nya nambabae/nanlalaki 😂
Đọc thêmnope npaĸa ιмpoѕιвle po nυng wla ĸa мaalala ĸaнιт ganυ ĸpa ĸa lango ѕa alaĸ мaalalaт мaaalala мo pnag ggawa мo laѕιng ĸa lng pero dĸa nмan na aмneѕιa.. na тry ĸo na ĸc мalaѕιng тlga ng ѕoвra υng тιpong ѕυĸa ng ѕυĸa aт dna мĸalaĸad ng мaayoѕ pero ĸaнaт naaalala ĸo.. ĸaloĸoнan υng dι мaalala 🙃
When they’re drunk, alam nila ginagawa nila. Pero pag sobrang lasing na at alam nila ginagawa nila, hindi nila mapigilan and at the end of the day, hindi na nila maaalala ‘yon, madami na ako na encounter na ganiyan. Yes alam nila ginagawa nila pero hindi na nila matatandaan kinabukasan.
Sa totoo lang hindi po totoo yan kahit po na napaparami inom ko naaalala ko pa kung ano pa ginagawa ko kahit lasing po ako. mamanhid ka lang po yon lang naman po buo mong katawan pero ung utak mo gumagana depende po yan sa tao wala po sa alak
Yea. Totoo yun. Hindi totoo yung alam mo yung ginagawa mo kahit lasing ka. May time talaga na sobrang lasing ka dimo na alam ginagawa mo. At meron pa kinabukasan dimo talaga ma alala. Ranas na ranas ko nadim yan ee
Sa opinyon ko hindi. Imposibleng hindi nya maalala. Maliban na lang kung itatanggi nya and ung mawala sa katinunan hindi sa ganun nagkakaroon kasi sila ng lakas ng loob na ipakita yung totoong nararamdaman nila.
Hmmmppp... Hindi ko sure tungkol diyan pero sabi ng nakausap ko na kamag anak ko dati alam naman daw nila ginagawa nila hindi lang nila mapigilan sarili nila dahil sa pagkalasing...
Depnde cguro.. hehe Kung gaano kadmi ininom.. hehe cguro Parang panaginip may naaalala pero d mo sure Kung totoo ska blurred n or fragments n lng ng ngyari pero d n malinaw.