Need advice

Hello po wala po akong mapagsabihan kaya dito ko na lang ikekwento yung ikinasasama ng loob ko sa partner ko. Kakapanganak ko lang po nung december 11. Bale 3 years na po kaming magkasama sa bahay dito kami sa side ko sa loob ng tatlong taon dahil di ako komportable sa kanila parang ramdam ko na di ako belong or di gusto ng pamilya nya. So ayun na nga po nung 25 pumunta sya sa kanila para dumalaw kasi matagal tagal na din syang di nakauwi plus 3 yrs na rin na dito sya nagpasko samin kaya pinayagan ko nangako din kasi sya na uuwi bago magbagong taon. Tapos kanina nagchat sya "gang nxt yr pa ako dito dito kame mag new yr magkakapatid dalawang taon na kameng di nagkakasama ng newyear" Sumama loob ko kasi unang bagong taon sana namin na kasama yung rainbow baby namin tapos kakapanganak ko lang din tsaka nangako kasi sya na uuwi sya bago magbagong taon kaya nagexpect nako. Sobrang naiiyak ako sa sama ng loob diko alam kung valid ba tong nararamdaman ko o parang ipinagdadamot ko naman na magkasamasama silang pamilya ngaying bagong taon. Sa sobrang sama ng loob ko naiisipan ko tuloy makipaghiwalay pero pinipigilan ko lang kasi baka pagsisihan ko lang.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

yes sis valid yang nararamdaman mo pamilyadong tao na sya kaya dapat kayo ang kasama nya.. tska bagong taon magkahiwalay kayo.. nu bayang asawa mo?

2y trước

eto po sinabi nya nung nagopen ako sa kanya na sumama loob ko. Hindi ko na po alam iisipin kasi feeling ko ako yung masa at di marunong umintindi. Diko rin naman alam pano ko papakisamahan yung pamilya nya dahil di naman nila ako gusto at ramdam na ramdam ko yun. "sa edad mo na yan ang kitid mo mag isip feeling mo pinabayaan ko agad kayo? wag ka masyado mag kape pangit sa nag oover think yun matuto ka umintindi hindi yung palaging ako try mo lawakan ng konti yang pag unawa mo di lahat ng tao pedeng intindihin yang ugali mo buti ka kase kasama mo palagi pamilya mo sakin kahit ganyan yang mga yan gusto ko din sila makasama. kung mag salita ka sakin eh kala mo naman mang tataho lang ako sayo try mo pakisamahan din pamilya ko try mo din umintindi sa sitwasyon alam ko may anak na tayo pero pamilya ko padin sila namimiss ko din hinahanap hanap ko din yang pamilya ko di mo ba napapansin yun? kahit anong galit ko mahal ko yang mga yan nasasaktan din ako lalo sa mga sinasabi mo bigyan mo rin