Fetal weight gain
Hello po, tanong ko lang po sana kung possible ba na mag-increase si baby ng size kahit controlled naman sa rice and sweets? Last December 6 kase EFW is already 2561 grams na si bby, 34 weeks and 6 days si bby nun. Then after my BPS controlled nako sa carb and sugar intake ko. Pero since Noche Buena di talaga maiwasang di matakam sa sweets at para akong naglilihi ulit. Worried lang po ako baka lumaki siya ng sobra though more water and exercise na man po ako. And sabi² nila kainin ko na daw lahat ng gusto kong kainin ngayon kase kapag nanganak nako marami nang bawal. Pero takot ako kase baka lumaki si baby ng sobra. 37 weeks and 5 days na po today. Any advice po?