Advice Please🙏

Hi po single mom po ako and 2 years old na LO ko , ask ko Lang po if need ko na ba pa check LO ko sa developmental pediatrician, Kasi napakaiyakin nya Po at pag Hindi nasusunod gusto nya o Kaya may Hindi sya nagustuhan inuuntog nya ulo nya, lalo na kahapon Lang po napalakas pagkauntog nya sa sahig, karga ko Kasi 1 year old Kung pamangkin Kasi parents ng pamangkin ko working, tas gusto ng anak ko mahahawakan ng pinsan nya na laruan inaagaw nya, eh ayaw bitiwan nung Isa ,Kaya sobrang iyak nya sabay dapa at inuntog nya ulo sa sahig, sobrang natakot ako Kasi parang nagbounce ulo nya😭😭😭, Alam ko marami ako pagkukulang at na stress na talaga ako sa behavior ng anak ko. Yan po Yung picture nya nung pagkauntog, cold compress ko Po sya agad, tapos Hindi ko sya pinatulog, observe ko pa Rin Po sya ngayon, Hindi Naman sya matamlay, o nagsusuka, magiliw pa Rin Po sya maglaro at Yung last photo Po ay Yung kuha na ngayon Kasi kahapon sya nauntog mga 4pm. Pa advice naman Po Kung ano dapat Kung gawin 😔😟

Advice Please🙏
1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

1. wag k Po bibigay sa gusto Nila and be firm, normal sa Bata Ang tantrums ang mahalaga wag k pong bibigay aabusuhin yan ng bagets and mas mahihirapan k in long term. matalino mga bata dear 2. encourage mo lang sila mag salita and verbalize gusto Nila, + validate na narinig sila , then explain mo n lng bakit Hindi pwede. 3. provide safe environment Kung San sila Pwede mag tantrums. hayaan mo lng siya dun hanggng sa hindi kumakalma.. I train mo n d mo sila kakausapin Kung nag wawala sila. . 4. distraction is the key Kung nasa labas. 😁

Đọc thêm