Family planning
Hello po any recommend po for family planning po and ano po Yung mga side effect I'm 35 weeks balak ko kasii mag family planning after birth Kaso Wala po akong maisip Kung ano Yung mas maganda
maraming options for family planning. after 6 weeks mong manganak, pwede ka na mag start ng family planning. pills - (if nagpapa breast feed ka-daphne. or POP Progestin-only Pill) safe po yan. hindi yan mag hinder sa breast milk supply mo. good for 24 hours or 1 day protection. need to take everyday and same time. side effect: no menstruation. meron din naman other pills (Combined oral contraceptives COC) - may halo na siya na estrogen. not suitable for breastfeeding kasi mag-interrupt nito ang breast milk supply niyo. injectables - protected ka for 3months. balik ka lang sa clinic every 3 months para sa scheduled injectables mo po. ang content ng injectables ay parehas lang ng daphne. Progestin lang yan. safe din for breast feeding. side effect: no menstruation din. Implanon - protected ka for 3 years. ilalagay po yan sa upper arm mo. same din ng injectables. progestin din ang laman so safe sa breast feeding din po. usually, sa hospital or clinic po yan magpapalagay. IUD (intra-uterine device) - protected ka for 12 years. mag memens ka pa rin niyan. if may questions ka po, you may consult your OB-Gyne para ma-guide ka and para maka-decide ka rin. i hope this helps you.
Đọc thêm