Popping sound when waterbag breaks
Hi po. May "pop" sound po ba talaga pag nagbreak na yung water bag? Or paano po ba feeling nun? And ano po or gaano po karami yung mucus plug na sinasabi? Iba iba po ba depende sa age ni baby sa tummy? Thank you po.
Iba-iba po ang experiences ng bawat isa ☺️ Yung sa panubigan, yung sa iba ay biglaan at isang bagsakan (no popping sound, pero ramdam mo talaga), sa iba naman ay patak-patak lang, while yung sa iba ay hindi talaga pumuputok at yung midwife/ doctor na lng ang nagpo-pop during delivery. Yung sa mucus plug naman po, it's the same, maaaring may lumabas na isang huge blob, or pwedeng paunti-unti lang na parang normal discharge lang throughout the days leading to labor. Personal experience ko sa panubigan, sa 1st pregnancy ko ay sumabog ng isang bagsakan nung nasa ER na ko. Accdg to my ob, maaaring sumabay na si baby ko then kung hindi lang naka cord coil sa leeg ni baby. For my 2nd pregnancy, no leaks, no pop, during delivery na siguro pumutok nung umiire na ko.
Đọc thêm
rainbow mama