Walang marinig na heart beat ang OB ko

Hello po, nag ooverthink and nababother po kase ako. April 4 Tuesday nagpunta po ako sa OB ko for my monthly check up. Binp ako then pinahiga para icheck yung heart beat ni baby using fetal doppler. Dalawang beses pong chineck ng OB ko pero wala parin po siyang marinig. Hindi pa masabe ng OB ko kung wala na ba talaga or baka kase maliit pa si baby kaya hindi pa marinig. 11 weeks and 6 days po ako that time. Now I’m currently 12 weeks. Then pinapabalik niya po ako sa April 25 at dapat daw may marinig na siya. Pero nung 7weeks ko na nagpa trans V ako may heart beat naman si baby na 136bpm. Until now po pray lang ako ng pray na sana ibigay na samin to kase nanganak narin po ako ng kambal before pero premature lang sila. Diko n po kaya kapag kinuwa pa to sakin ulit🥺#pleasehelp #advicepls

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Pag using fetal doppler mahirap pa maka detect yan lalo na pag sa mabilbil kadalasan 16weeks pa nakakahanap ng hb yan. Yung ob ko 13weeks palang ako nahanap na nya ang tiyaga nya kasi tsaka kamag anak ng asawa ko kaya hindi nya tinantanan hanggat hindi nya naririnig hb ng baby namin🤣tsaka hindi ako mabilbil kaya nakita naman kahit tagal nya hinanap bandang baba sya ng puson ko☺️

Đọc thêm
2y trước

mahahanap nya din po yan tiwala lang☺️🙏 possible din po kaya mahirap hanapin dahil sa anterior placenta pero kung posterior placenta kagaya ko hb or kahit movement ni baby nafifeel na po agad🥰

iwas po kayo sa stress mommy at wag masyadong mag overthink. tama Ang ginawa nyo mag dasal lang po dapat positive lang po Ang dasal. meron na yang heart beat si baby nyo sa susunod. pwede din po kayo magpasecond opinion sa ibang ob

2y trước

Tama po Mami ,Wag mag pa ka stress ,Aand Pray lng ng Pray Walang Imposible sa Lord .🙌😇

Mahirap tlga maka detect yung fetal Doppler. lalo na kung medyo mabilbil po and naka depende din po sa pwesto ng inunan yan. pero mas accurate yung tvs. Relax ka lang. wag ma stress 😊

para sure dapat transv ultrasound na lang para kita ang lagay ni baby. you should ask your OB to try transv ultrasound instead. to check the actual inside status of the baby in your womb.

2y trước

Need daw po niya akong ma check ulit sa 25 bago ako magpa ultrasound for second opinion