Science class or regular
Hello po momsh, asking for advise po. Nasa science class po anak ko ngayon grade 1. Nakapasok po siya ng 3 weeks ngayon Palagi na po siya umiiyak at ayaw pumasok. Teacher din po ako pero sa ibang school at wala kaming science class dito. Ngayon gusto ng anak ko dito na siya magtatransfer sa school na tinuturuan ko. Regular class lang po dito. Klase klase po mga bata dito. May behave at may mga bully. Gusto ko po sana doon siya sa science class sa ibang school dahil 35 lang sila at mababait mga classmates niya. Ayaw niya na matagal umuwi pero 7:30am to 2:30pm lang naman sila sa school nila . Ano po ang gagawin ko. Gusto niya dito sa tinuturuan ko pero may mga bullies. Gusto ko lang po siyang protektahan. Ano pong gagawin ko

