Low breastmilk?

Hello po mga mommy. First time mom here. Minsan po kasi pag cranky na si LO 6weeks old (lalo pag gabi), ayaw na niya tanggapin ang nipple ko. EBF and Direct latch po si baby. Hindi ko alam kung dahil nauubusan na ng milk or dahil lumambot yung nipple (sa tagal naka latch, idk kung may ganito ba)? Pag pinpress ko naman yung nipple ko may lumalabas na milk. Sobrang nalulungkot ako pag ganitong situation. Di ko alam gagawin and kung ano ano naiisip ko (parang nasa isip ko, ang dami kong pagkukulang bilang isang ina). Dagdag pa sa iniisip ko is underweight si baby as per last checkup namin. May time pa na humahagulgol din ako kasabay ni baby, di ko mapigilan. Umiinom po ako ng M2, nagttake ng malunggay capsule, saka lactation treats. Any tips naman po kung paano maiimprove ang breastfeeding experience ☹️ salamat po. #advicepls #pleasehelp #firstbaby #firsttimemom

20 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi mommy, ako po ang ginagawa ko habang nakalatch si baby sa right may pump po ako sa left para di po nasasayang yung naglleak sa kabilang breast, tsaka yung every 3hrs po na pump for 15min ginawa ko sya since day1 po, sumasapat naman po ang supply, praise God.

avoid negative thoughts and stress, yan ang nagpaoahina ng breastmilk production as per my lactation consultant po. kahit anong malubggay, m2 etc mo if nega ang nasa isip mo at stressed ka, wala rin mangyayari.

2y trước

Thank you sis.

pwede po kayo mag impok ng milk then use a feeding bottle 🍼 para baby niyo mamshie kung talagang ayaw niyang tanggalin yung gatas na direct mismo sa nipple mo. isang suggestion lang naman po yan😊

try niyo po mag pump at unli latch talaga kasi ganyan din ako dati na ii-stress nung sobrang hina pa pero katagalan after a month dumami na milk ko hanggang sa natulo na sya sa bra ko. 😊

Unli latch lang sis tapos Take ka po sis buds and blooms malunggay capsule para mas lumakas milk production mo sis 💚, safe since all natural and super effective

Post reply image
2y trước

Lactaflow tintake ko sis. Nireseta ni ob nung preggy palang ako. Effective ba ito sayo sis?

try mo mag natural malunggay mommy , ganyan din ako nong una, tapoa more fluid intake po. inom kadin po ng mga choco drink.

ganto rin ako now hayys asking for help na nga ko sa family ko nasstress pa ko kasi nahihirapan ako matulog sa gabi

2y trước

thank you mi huhuhu

mumsh try nyo po pinakuluang malunggay tapos mix nyo po sa milo. bumalik saken yung milk then sobrang daming milk

2y trước

Try ko ito momsh

magkuha ks malunggay leaves mamshie tapos ilaga mo gawin mong tubig un

stress ay ang #1 killer sa Breastmilk mii

2y trước

Thank you mii.