Breastfeeding
Hello po mga mom . Ttanong po sana ako kng ano po dapat gawin po para po lumakas po ang milk ko po 1 month old lng po c baby .. gsto ko po kase sana mging exclusve b.feeding po ano po kya dapat ko po gawin
Ang best na "pampadami" ng breastmilk ay Unlilatch/ feed on demand lang po and keep yourself healthy, well-hydrated, and make sure naka-deep latch si baby ☺️ Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So dapat padedehin si baby, para magkagatas tayo. Hindi yung hihintayin munang magkagatas bago padedehin si baby ☺️ Also, ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's OUTPUT (poops, wiwi, pawis), at NEVER sa dami ng napu-pump/ pisil or paninigas/ laki ng dede. And remember na kapag umiiyak or iritable si baby, it doesn't always mean din na gutom sya ☺️ Also, babies don't only nurse on our breasts for feeding purposes but for comfort as well. I highly recommend po na magjoin kayo sa FB grp na "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group on breastfeeding ☺️ (https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/)
Đọc thêm