Priority lane!!
Hello po. magpa5 months na po ako.Iniisip ko kung pwede pumila sa priority lane kso naiisip ko na baka tanungin pa ako since maliit pa yung baby bump ko.. Kayo po ba??
pumila ka lng mamsh karapatan mo un hehe ako 5mos preggy first time ko lang pumila sa priority lane nung nanood kmi ng avengers end game hahahah sobrang haba pila eh..kahit visible na bump ko bihira ako pumila sa priority lane nahihiya kasi ako hahaha
Ako nga. Sa lahat ata ng buntis ako lang hiyang hiya pumila sa priority lane. Hahaha kaya napapagalitan ako minsan ng mga ate ko saka ni hubby 🤣🤣 bat diko daw gamitin pagkabuntis ko sa mga ganun. Minsan lng daw ganyan. Haha sulitin na. 🤣🤣
Ganyan din ako sis. Sinisiringan pa nga ako ng mga nasa pila, akala sumisingit lang ako. Haha. Pati cashier nagtatanong kung priority daw. Nilalakasan ko nalang ung sagot ko na "pregnant". Haha. Hirap kasi pumila ng matagal lalo kapag buntis.
pwde po, ako nga as early as 2mos yung tyan ko ung ate ko pinipila kmi sa priority lane then kung tanungin sabihi lng buntis. kahit po sa bus, kapag hindi ako nahahatid/sundo ng asawa ko, ngsasabi ako sa driver n buntis ako pra makaupo sa harap
Share Ko lang; Naranasan ko dahil maliit ako magbuntis nung 1st baby ko tapos sumakay ako sa jeep, walang nagpaupo man lang sakin, kadaming lalaki na nakasakay.. nag para nalang ako sa driver na bababa ako kaysa naman nakatayo ako e buntis nga ako.
pwede nman po un kaso minsan may iba na sumisita since hindi pa halata tiyan mo. pwede ka nman magdala ng proof of pregnancy in case na gnun mangyari. aq kc may issued id from the company im working with at palagi ko siya dala.
yes Po maliit man o malaki Ang tyan natin may karapatan Po Tau na pumila sa Priority Lane na sinasabe at bilang buntis dapat Lang Po na sa priority Lane na Tau marami man oh kunti Ang pila saka sumusunod Lang Tau sa patakaran ...
Im 20 weeks now and di parin ganun ka visible ang baby bump ko. Nahihiya nalang ako minsan mag priority dahil kahit sabihin na buntis di parin naniniwala. Inaantay ko nalang na humingi ng proof at ipakita ang ultrasound. Hahaha.
Oo naman momsh. Kahit nga PWD parking spot, ginagamit namin. High risk yung pregnancy ko and super selan, yung clinic ng dr ko nasa loob ng mall, kapag wala available parking space na malapit sa entrance dun kami nag papark.
Ako 5month na tyan ko nakapila parin ako sa kahabahaba ng pila ng van pagPauwi .. Pero ngayun 7 months na ko umouna nako kc subrang sakit sa tyan at sa likod ang bararamdaman ko oag pumila pa ko nga kahabahaba at ilang oras