nanunumbat

Hello po, gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob. Siguro after nito makakagaan na rin sa loob ko kahit ppaano salamat po. First time mom po ako and dito ako nakatira sa mama ko since nanganak ako, 2 mos na si baby. Si hubby nasa malayo kaya dito kami tumitira sa bahay ng mama ko. Ok naman nung una tsaka si mama ngbayad ng pangospital ko. Wala kasi kaming naipon ni hubby, dapat sa public nalang ako manganganak kaso pumayag si mama siya muna mgbayad. Madaming gastos ang baby lalo na vaccines etc. Si mama ang nagbabayad kasi yung tiyahin ko pedia kaya gamot nalang kailangang bilhin. Tapos kaninang umaga out of the blue habang naguusap kami ng kapatid ko biglang nagsabi ang mama ko na, "Magpasalamat kayo kung anong hinahatag sa inyo mapa pagkain man yan. Pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng vitamins, pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng bakuna." Na stunned ako sa mga sinabi nya. Pagkain lang pinaguusapan namin ng kapatid ko tapos nanumbat na si mama. Di nalang ako nagsalita pero naiyak nalang ako sa sama ng loob. Siya may gusto na tumira kami dito dahil sapat na sapat lang ang kita ni hubby at umuupa pa. Iniisip ko rin na kahit mgkalayo kami ni hubby kahit papaano ok lang para makasama ng mama ko si baby pero may masasabi pala na parang labag sa loob nya ang pagaruga sa amin mag-ina. Malaki ang pasasalamat ko kay mama pero sobrang sakit nya magsalita. Tinawag pa nya kaming kawawa ni hubby nung makalawa dahil wala daw kaming pera, umuupa pa at walang ipon. Inaamin ko naman na kawawa talaga kami pero mas naramdaman ko na kawawa ako dahil sa mga pananalita nyang masasakit. Nahalata nya yata na nasaktan ako kaya bigla nyang nabawi pero nasabi na nya. Plano ko umuwi na kay hubby para wala na kami marinig na masasakit na salita, kasi kung si hubby naman tatanungin gusto nya dun kami umuwi sa kanya kahit mahirap ang buhay. Talagang si mama lang nacconsider namin pero may masasabi pa pala. Yung isang tiyahin ko lihim kami tinutulungan financially. Nagaabot paminsan kasi kapag nalaman ni mama siguradong magagalit. Ok lang naman sana kung tipid talaga pero kung makapagwaldas sila ng kapatid ko ng pera minsan kakain sa labas, grocery ng mga tinatambak lang naman minsan nageexpire pa dahil di na makain, pinammigay nalang. Salamat sa mga nakabasa. Pasensya sa mga nainis. Kailangan ko lang po talaga ilabas ang saloobin ko.

57 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ganyan din mother ko.. sakit magsalita.. dati nung bgo lng kmi nag sasama ng hubby ko daking sumbat..tas grabe din maka down sa hubby ko.. kesyo kulang pa ang sahod.. ganyan ganyan.. pero wala kmi choice ng asawa ko kc kakapanganak ko plang sa panganay ko.. d pa talaga namin kayang bumukod.. lalo na walang mag aalaga sa anak nmin.. gnun talaga may ganyang mga nanay. masakit magsalita.. pero unti unti yan makaka bawi din kau..habang maliit pa baby mo tiis tiis kna lang.muna wag kana rin mag tanin ng sama ng loob.. ganun talaga masakit katotohanan.. pag kaya nio na ng LIP mg bukod nalang kau.. kmi after 3yrs bumukod narin kmi... tiis lng..

Đọc thêm

Kaya nga ako dati ,bago ako nag asawa pinagplanuhan nmin ng maigi ng hubby ko..cmula nagsama kmi ng hubby at nanganak nlang ako at dalawa na baby nmin,d kmi umaasa sa mga magulang nmin,,ni peso d kmi nanghihingi sa knila,kc alam ko na darating ang panahon na masumbatan ganun..ang panganay ko nag aaral na,at kakapanganak ko palang sa second baby namin,ni peso d ako nanghingi sa magulang ko..kc ginusto ko to mag aasawa kaya nmin to ng lip ko dhil responsibilidad nmin to..21 yrs old ako ng nag asawa.. At ngaun may sarili kming bahay at nalagpasan nmin lahat ng pagsubok basta tulungan

Đọc thêm
5y trước

Maraming salamat sa words of encouragement nyo sis. Nakakagaan po ng loob, mas naliliwanagan po ako kasi kanina masama ang loob ko. God bless po sa inyo! :)

Mama mo yan? Ano ba pinaguusapan nyo ng kapatid mo? Baka nasaktan ang mama mo. Alam mo ang nanay kahit walang matira sa kanila basta ibibigay sa anak. Pano kung sa usapan nyo ng kapatid mo nasaktan sya sa narinig nya. Hindi ba ikaw ang unfair dahil sumama pa ang loob mo? Hindi mo alam kung walang wala na ba sya pero ayaw nya un iparamdam sayo kasi mahal ka nya at ang anak mo. Kaya pagpasensyahan mo sya at kung nasabi kayo hindi maganda sa ulam, mas ikaw pa nga dapat humingi ng tawad. At magpasalamat ka sa knaya sa tulong nya. For sure hindi nya sadya na masaktan ka.

Đọc thêm
5y trước

Baka po may problema si mama mo na ayaw nya ipaalam sa inyo. Daming iniisip kasi ng mga nanay.

Well i think its normal momsh sa mga nanay natin na minsan eh makapagsalita ng nakaka hurt ng feelings natin. Minsan kasi ganyan din si mama, pero iniisip ko na lang na totoo naman sinasabi ni mama. Masakit pero kelangan tanggapin. Saka iniisip ko na lang na makakabawi din ako kay mama sa lahat ng tulong nya samin ng baby ko kapag nakapag work na ko ulit. And kausapin mo momsh si mama mo, like ng ginagawa ko. Lagi ako nagpapasalamat kay mama at sinasabi ko sknya na pagpasensyahan na muna kami. Ayun lumalambot ang puso, kaya mas inaalagaan kami ni baby.❤

Đọc thêm
Influencer của TAP

Hindi mo rin masisisi nanay mo kasi nga ganyan palang ang kayang ibigay ng asawa mo sa iyo. Sino ba namang nanay gustong makita anak nya naghihirap? (Mama ko lang ata yun, wa pakels sa akin yun ehh). Kung ako sa posisyon ng mama mo maiinis din ako kasi mukha kayong kawawa ng baby mo. Isipin mo nalang mahal na mahal ka nya na pati gastos sa baby mo sinasagot nya. Pasalamat ka nalang hindi sa byenan mo galing mga salitang yan. Kung sa byenan mo ikaw nakatira tapos ganyan ang sumbat doble ang sakit, talagang mag-iiwan ng sugat sa puso mo.

Đọc thêm

Di mo masisisi nanay mo. Real talk, ilang taon ka na ba iha? Napakasakit sa isang nanay na mabuntis yung anak nya tapos walang wala rin pala nakabuntis sa anak nya. Iniisip ka lang at yung anak mo ng nanay mo kasi in the first place, nanay mo pa umaako sa lahat ng responsibilidad na dapat ang nakabuntis sayo ang gumagawa. Naisip mo ba yun? Syempre hindi kasi feeling entitled ka. Imbes na magpasalamat ka nagawa mo pang magdamdam. Wag mong silipin pati mga ginagastos nila ng kapatid mo. Wala ka na dun. Ikaw ang mag adjust hindi ang nanay mo pa.

Đọc thêm
5y trước

Syempre naisip ko yon at pasalamat ako dahil don. Ang kinakasama lang ng loob ko nananahimik akong kumakain eh bigla siyang magsasalita ng ganun. Marunong ako tumanaw ng utang na loob sa kanya at alam naman nya kung bakit kami nawalan ng pera kaya naiintindihan nya nung una kaya ang gulat ko sa reaksyon nya kanina.

Hi sis. I think nasasaktan ka kasi totoo sinasabi ni mama mo. Baka nagiging prangka lang sya at nagiging sensitive ka lang. Yung siguro way nya para leksyunan ka. Ganyan talaga mga ina, madalas may maririnig at maririnig ka pero di sila magsasawang tulungan ka. Instead na magdamdam ka at mainis, dedmahin mo nalang. Maging thankful kasi tinutulungan ka nya. Kung papairalin mo tampo mo edi umalis ka. Pero ang tanong is kaya mo ba? Sayo naman nanggaling na kawawa nga kayo tlga. Realtalk lang po.

Đọc thêm
Thành viên VIP

hayst dpat nga naappreciate mo mga gingawa sau ng mama mo e ung iba dian hinahayaan n lang kc ginusto nmn nila pero ikaw d ka natiis ng mama mo tsaka mama mo lang ata inaasahan sa pamilya niyo ? so dapt nga pag pursigihin mo ung asawa mo n mag doble kayod pra sa iniu ni baby kesa sumama loob mo s mama mo napapagod din mama mo sa sobrang pagod mnsan d tlga maiiwasan makapag salita or manumbat wag natin masamain un kc kung tutuusin bumuo k ng pamilya dpat ikaw n yan d na nia obligasyon .

Đọc thêm
5y trước

Ms. Nica nagiisang apo lang po nya ito and she is not working anymore. She is enjoying her retirement and her retirement money. Anyway salamat po sa comment.

Uhm mamsh... Sa totoo Ang kapal ng mukha niyo. Nothing wrong with what your mom said. Bakit sasama loob mo? Siya nga nagbayad ng hospital at vitamins at vaccines ng baby mo. Adult ka na may baby ka na. Di ka na responsibility ng mama mo. Magtrabaho ka. At ano ginagawa ng asawa mo sis? Wala kayo ipon? Jusko nambababae ata hubby mo. Bakit di kayo magkasama? Nako isip isip ka na. Mahiya ka sa nanay mo.... Matanda na nanay mo for sure. Di Lang niya matiis Apo niya. Mahiya ka.

Đọc thêm

Wag ka magalit sa mama mo. Bihira na yang ang magulang pa ang nag-aabot ng tulong. Nasabi ng mama mo yun kasi concerned sya sa inyo mag-ina. Eh ikaw nga nagsabi di ba na maliit lang sahod ng asawa mo? Na nahihirapan pa syang sustentuhan kayo. Bilang ina, concerned sya sa inyo sa sitwasyon nyong yan. Nasa isip nya na sana magabago na buhay nyo. At wag mo nalang sila pakialaman kung maggrocery man sila ng kapatid mo. Pera naman nila yan at nakakabenepisyo ka rin naman di ba?

Đọc thêm
5y trước

Anon nakabukod na po kami, umuupa kaya po hirap kami kasi tulungan talaga kami ni hubby sa finances and syempre huminto ako mgwork kaya naging siya nalang sa lahat. Upa and utilities, mahirap dahil sanay kami na 2 ang working. Na drain ang savings namin kaya nahirapan kami ngayon.