Pwde magkamali sa ultrasound
Hi po. Gusto ko lang po magask if may same situation po ako. 4weeks pa lang po nalaman ko na pong pregnant ako. Pero sa ika-7 weeks pa ako nagpatvs based sa LMP ko. Pero sa 1st ultrasound ko 4 weeks palang po ang nakalagy sa ultrasound at meron nman pong sac nakita. After 2 weeks nagpaultrasound uli ako kasi nagkaspotting ako. Supposedly dpat ika6th weeks ko na po yun after ng 1st ultrasound ko kasi 2 weeks ng nakalipas. Pero ang nakalagay sa 2nd ultrasound ko pang 5 weeks palang. Pero from sac may yolk na. So sabi ng ob ko. Ok lang po yun kasi kahit papano may development. Sobrang bagal nga lang. Complete din po ako sa meds at pampakapit. Total bedrest din po ako. After po ng 2nd ultrasound ko. Dun na po nagstart ang spotting ko. Tumagal po ito halos 2 weeks. Nagpaultrasound po uli ako for the 3rd time to check if ok parin si baby. Sa 3rd ultrasound ko po may nakitang ng embryo. Sbi ng ob ko, good sign daw po yun ng development. Kahit 2weeks na uli ung interval from the 2nd ultrasound to 3rd ultrasound pero ang nadagdag lang na age sa ultrasound is 4days. Which is 5week and 4days na. And that time diagnosed na po ako ng threatened miscarriage. Kaya nagdagdag ng meds for pampakapit at dosage. As in bed rest na po talaga ako nyan. Cr lang po ang pinakatayo ko. After 5days po ng pagtitake ng pampakapit wla naman na akong naging spotting nyan. Pero on the 6th days po. Bigla po uli ako nagkaspotting at naging bleeding na po. So nagask po uli si ob na magpaultrasound ako. On the 4th ultrasound wala na pong nakita kahit na sac sa uterus ko. As in malinis. Ayaw pang maniwala sakin ng sonologist na pregnant ako. (Sa iba kasi ako nagpaultrasound thinking na mas ok khit ito po yung pinakamahal). Nagtataka lang po ako kasi base sa bleeding ko as in pure na blood (which is color brown) lang wala pong kasamang clots or buong dugo. And if icocompare ko yung last na ginawang ultasound sakin sa mga previous ultrasound sakin. Ito hindi nya tlaga hinanap if may sac ba sa uterus ko or what. Basta pagsalpak ng transducer (ung pinapasok sa vagina na aprato) unting ikot. Sabay sabing wala na. Then, wla pa akong 3 mins nakakahiga pinatayo na ako. Parang impossible na maging clear po yung uterus ko ng walng kasamang clots na lumabas sakin. Khit na unti lang. Dun po kasi sa mga nauna kong ultrasound(sa ibang clinic) sa unang pasok ng transducer wala po talagang nakikita agad. (Base sa observation ko.) Kaya ginagawa ng mga sonologist as in iniikot nila ng matagal. And sasabihan ka pa nila na mam didiinan ko pa para mas makita ko. Iba iba po kasi ang position ng uterus. As in nagtatagal ako ng almost 5 to 10mins. Sa ngayon duda rin po yung ob ko sa last ultrasound kaya observation kami for 2 days if magstop daw po ba ung bleeding ko. Continue meds pa din po. Then papacheck kami sa ibang ultrasound clinic. Bago nya ideclare na miscarriage. NOTE: KAYA TIP KO PO SA IBANG MOM NA MAGING OBSERVANT DIN PO KAYO SA MGA GINAGAWA SA INYO. WAG PO BASTA BASTA NAGTITIWALA. IF HINDI PO KAYO SURE SA UNA NYONG GAWA PWDE PO KAYO MAGPASECOND OPTION. Wala naman pong masama, lalo nat baby po natin ang nakasalalay.

