Nakabuntis Live in partner mo
Hello po. Gusto ko lang po humingi ng advice po. May live in partner po ako na nag tatrabaho po sa kuwait. May isang anak po kami at hindi po kami kasal. 6yrs and 6months po kaming nag sama. Bago po sya mag trabaho abroad. At pinangakuan po nya ako ng kasal pag nakaipon na sya dun. At nangako din po sya sa magulang ko at mga kamag anak ko. Nangako din po sya sa pamilya nya. Tapos po nakabuntis po sya dun ng pinay Din at balak po nya pakasalan po dun. Maselan daw po pag bubuntis nung Babae. Kaya pinahospital daw po nila at pinalagyan ng dextrose dun sa bahay. Kung hindi po ako nag kakamali pwede po bang dalhin sa hospital ng kuwait yung nabuntis ng hindi kasal? Diba po mahigpit po dun? Tapos napag alaman po namin na may nurse pong tumutulong sa kanila dun at sya mismo po ang nag lalagay po ng Dextrose dun sa Babae. Ano po kaya pwede naming ikaso sa kanila? Pwede po ba ako mag kaso kahit hindi po kami kasal? #legaladvice