byenan. need your help guys para bawas stress lang. thank you.

hi po gusto ko lang maglabas ng sama ng loob, humingi na rin ng payo or comment from you. Ftm po and 6months preggy na po ako this coming week. working preggy po ako. last april nag threatened abortion po ako kaya pinag bedrest ako ni ob for 30 days. after 30 days, okay namn na po ako and back to work na, di po ganun kastressful sa work ko nakaupo lang ako the whole time and super ingat dn skain mga workmates ko po. (thankful). till now ingat na ingat kami ni hubby dahil mejo sensitive pala pagbubuntis ko. ang gastos uminom ng gamot at pampakapit pero worth it namn para kay baby. nasstress lang po ako. si hubby never po ako pinakilos sa house simula nagbuntis ako, lalo na nung nagthreatened abortion ako. as in prinsesa turing nya sakin, wc is very thankful ako talaga. super blessed. gusto ko kumilos minsan, maghugas ng plato man lang pero ayaw nya ako pakilusin. rason nya mas mahirap pag nagka complication ulit ako. tama nga namn. pero this week dumating si byenan. gusto nya ako kumilos, enxplain ni hubby kung bakit ayaw nya ako gumalaw galaw sa bahay, sabi ni byenan "bakit yung lola mo noon buntis nagbubungkal pa ng lupa". kaya ngayon magkaaway sila ni hubby. valid po ba na sumama loob ko? una nakokonsesya ako kaso si hubby lahat gumagawa kahit parehas kami galing sa work sya po talaga kikilos pagdating sa bahay, and ngayon naman kinukumpara ako ni byenan sa iba at Hindi nya maintindihan un situation ko. nasstress po talaga ako. your truthfulness and kind words might help ease this stress po. salamat po ng marami.

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

may ganyan po talagang mga in laws na hindi kaya umintindi. parang yung MIL ko sinabihan ako na wag tulog ng tulog. hahahaha! first trimester ko nun at feeling tired at sleepy talaga lagi. Nung sinabi yun ng MIL ko nginitian ko lang at sinabing di ko po kase mapigilan ang antok ko. leave naman po ako sa work due to threatened miscarriage kaya inaabuso ko na po ang pahinga. sabi ko na lang na dibali po soon pag tapos na siguro ang paglilihi ko e mabawasan na po pagiging antukin ko. nicely and calmly. pero di ko natiis sinabi ko sa hubby ko. kaya kinausap nya mom nya. sinabihan nya mom nya na hayaan ako magsleep at naglilihi pa. sinabi din ni hubby ang reason bat gusto nya na rest lang ako. sabay sabi ni hubby sa mom nya na ang mamahal ng gamot para di sya makunan ulit ikaw kaya gumastos kung pwede nga di ko pagalawin yang asawa ko e gagawin ko para safe lagi si baby. ineffortan namin yang baby sa tiyan nya kaya bayaan mo sya kung gusto nya magpahinga at di tumulong sa gawaing bahay. hahahaha! may pagkasutil ang asawa ko. infair hindi mamas boy ang mga asawa natin. lagi nakakampi satin. kaya blessed pa din tayo. maldita man ang in laws mabuti at mapag mahal naman mga asawa natin. basta sagot ka lang ng maayos. bayaan mo sila mag nanay ang magharap para hindi ka din masira.

Đọc thêm
3y trước

true momsh. super blessed din talaga ako sa hubby ko. ❤️

same tayo. ganyan din sinabi ng MIL ko but then si hubby nagdecide na wag ako kumilos kilos sa bahay at si hubby lahat gumagawa sa house chores after nya sa work nya kasi wala pa kami house helper. ang kagandahan lang samin ay nakabukod kami ng bahay. ayaw ko kasi na may kasamang ibang relatives and family sa bahay. gusto ko ang nasa house ay ako lang, si hubby, magiging baby namin and house helper. ayaw ko kasi ng mga nakikialam sa kilos ko sa bahay. dapat tumira kayo sa lugar na malayo sa relatives at ibang kapamilya para may freedom.

Đọc thêm

totoo po yong sinasabi ng biyanan mo...kaya lang iba na ang panahon ngayon sa panahon noon...wag po kayo magpa stress...kaya ka inaalagaan ng husband mo kasi maselan ka...di tlga yan maintindihan ng mga matatanda na ngayon...lawakan mo nalang pang unaw mo sa biyanan mo..gawin mo nalang ang alam mong makakabuti at safe...fighting

Đọc thêm