Pcv vaccine

Hello po ftm, first PCV vaccine po ni baby kanina tinanong ko po kung i compress pa sabi hindi na daw. Now iyak ng iyak si baby iniinda yung bakuna what to do po? And painumin pa po pa siya ng paracetamol? Pcv lang po nainject kanina walang penta

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Every vaccine make sure na i-massage yung part na naturukan para di magbuo yung itinurok sknya, kaya lng nmn po nagbubukol at sumasakit yung part na yun dahil di naspread yung itinurok at nagbuo o ngbukol lng then pag uwe ng bahay cold compress lng din kmi yun turo ng pedia nmin , no need na ng after shot na pinapahid. last week sabay ang turok ni baby ko pcv at 6in1 magkabilang binti di naman nilagnat at di sumakit or namaga binti nya, antukin lng ng araw na yun, puro tulog sya.

Đọc thêm
7d trước

thank u po, okay na po si baby❤️

Kami, every after vaccination ni baby, hindi ako nagbibigay ng paracetamol unless lagnatin nang mataas (which is rare) but I always make sure na kino-cold compress ko as soon as pag-uwi ng bahay. Nadala na ko nung first vaccination ng firstborn ko na hindi nacold compress, kawawa naman at sobra ang iyak nya every time na magalaw yung vaccination site. Kaya after that, matik na yung cold compress samin, drowsiness and/or irritability na lang ang nilalabanan naming side effects.

Đọc thêm
7d trước

ty po! next vaccine gawin ko po. tinanong ko po kasi kung ico compress ang sabi po hindi na kaya di ko na po ginawa🥺