VACCINES
Hello po, first time mom here. I am confused sa vaccines na dapat kay babies. My LO is done with her 6 in 1 vaccine and Rota vaccine last month. We spent 7.500 php ( mahal po ? ). Now may schedule sya for PCVx1 vaccine, and nicheck ko immunization book ni baby. 4 times/shot sya until mag 1yrold si baby. Curious lang po , we were told na 5k per shot yung PCV vaccine. So meaning for that particular vaccine we will spend 20k? May ipon naman kami for my baby, kaso ang mahal talaga e
Pag private mahal po talaga. Sa center free. As in free. And same doses and brand ng meds dn naman yung ibinibigay. Kaya mas wise choice if sa center kayo magpapa vaccine momsh. Pareho lg naman yun.
Mabigat talaga ang 6-in-1 and vaccines in general since every injection ang bayad. Think of this as an investment for your kid's future. Ayaw natin sila magkasakit diba? 😉
pag sa private mumsh mahal po tlga.. sa center po kau magpunta libre lng.. haha.. rota lng ang wla sa center pero ung mga vaccine ni baby monthly meron po sa center at libre un...
sa center libre lng ang mga vaccines.. pwede ka rin mgtnong minsan meron din sila nung mga additional vaccines na may byad pero atlis di ksing mahal nung sa mga private..
I never knew na napakamahal pala magpabakuna sa pedia. Sa center lang kasi ang baby ko. Kasi un ob ko at pedia ni baby ang nagsuggest na sa Center na lang at dun for free lang
Ganyan din sabi ng pedia ni baby para mkatipid tapos follow up check up lng sa knya.
minsan mas sinasuggest pa ng OB or pedia natin na mag pa vaccine sa center kse same lng din po un..pero kng sa center wala pong bayad...lalo na po sa panahon ngaun...
Mahal talaga pag private. We can afford the payment but we chose to go to Barangay Health Center dahil same lang din naman. Practical. Now we’re done with vaccines
Wow momsh buti sayo 7,500 lang bakit sakin mas mahal. 9,800php Huhuhu I wonder kung magkano pag PCVx1 yung sakanya. Baka mas mahal din sana 5k per shot lang dn haaay
Pina rota ko anak ko this month 2800 lang sa pedia ko. Ung ibang vaccine na available sa center dun ko kinukha for LO. Malaking tulong ang center, mismong si pedia ko nagsabi na if avaip naman sa center dun na kunin.
Yes ganun talaga. PCV pneumococcal is 3x plus booster. Ganun talaga. It is expensive pero kailangan talaga. Check yung health center ninyo kasi baka may libreng bakuna.
Hi momshie..ung booster ba sa center din po makukuha? Ung rota how much po un?
May mga vaccines po na available sa health center for free. Sabi ng Pedia ni baby almost the same nman po sa mga vaccine na meron sila. Mas makakasave pa tayo.