Masakit na katawan at paninigas
Hello po ask ko lang kung may nakakaranas din po ba neto? Normal lang ba na palaging masakit ang katawan parang binugbog katawan ko kahit wala naman akong masyadong ginawa yung buto ko sa legs masakit lalo na pag tumatayo ako sa arinola ko, babangon para umupo, pati pag hakbang sobrang hirap parang ang bigat ng paa ko di ko mabuhat o maiangat at yung mga kamay ko naninigas at nagmamanhid hirap akong iclose open lalo na pag may hinahawakan ako parang nadudulas nalang sa kamay ko kasi di ko masyado maramdaman yung hinahawakan ko di ko masecure ng maayos. 28weeks and 5days na ako (7mos). Sabi ng hubby ko ilakad ko daw or padyak padyak pero parang mas nabubugbog. 😞😞 Madalas pa akong manginig. Anxiety na ba to. Hays.