CS and at the same time EBF mom

Hello po, ask ko lang for CS and at the same time ebf mom, pano kayo nakakapahinga? Or wala talaga? Ano po mga adjustment na ginawa niyo? My baby is 7 days old today (premature but healthy baby - 34weeks and 5 days but as per pedia, gestational age is 36 weeks) and until now wala akong matinong tulog, mas lumalakas kasi siyang dumede ngayon lalo na pag madaling araw. Pinipilit ng husband ko na magformula at baka daw mabinat ako and hypertensive din kaso ayaw ko talaga since gusto kong healthy si baby and worried ako about SIDS. Any tips po? Thank you.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

CS ako in my 2 pregnancies. 1st born- EBF until bumalik ako sa work. 2nd born- after 1 month, mixed feeding. need ng formula kasi nahihinder ng medication ko ung fats sa breast milk ko. kaya hindi maka-gain ng weight masiado si baby. pero nag-gain naman. pinupush ni hubby ang breastfeeding kaya tuloy pa rin ako sa pagbreastfeed. until now na 20months si LO. we are living with my parents-in-law kaya malaki ang tulong namin. naka focus lang ako sa baby. talagang walang matinong tulog kapag newborn ang baby. magpapabago bago pa ang schedule ng tulog nia. 1week, mahaba ang tulog sa gabi. next week, gising nnman sa madaling araw. katulong ko si hubby sa madaling araw. salitan kami para makatulog ako. nagside lying breastfeeding ako, then sia taga burp. kapag hindi pa makatulog si baby at iyak ng iyak, salitan din kami kasi gusto ni baby na naglalakad ung nagbubuhat sa kania, hanggang sa makatulog sia. ahehe. to avoid risk of SIDS, patulugin si baby na walang unan sa ulo at tabi. flat lang ang likod nia. para kahit umikot ikot sia, walang unan na sasagabal sa kania. also, wag hayaan na matulog na nakadapa si baby.

Đọc thêm
2y trước

Thank you miee, kanina kasi dahil di ko na kaya yung antok ko, sabi ko kay hubby siya na magpaburp, hindi niya kaya, gutom pa daw kaya tinimplahan niya pa ng formula 😔 tas nagigising din ako kasi umiiyak si baby. Kaya nagtalo kami kanina, gusto niya i-formula na muna si baby para daw makatulog ako since ang advise din ng Dr. is need ko ng pahinga dahil hypertensive ako. Kaso mas goal ko kasi ngayon na maging healthy si baby since premature siya.