Toddler's watery stool

Hello po, ask ko lang baka may naka experience na sa toddler niyo nga ganito. Hindi ako masyadong worried kasi napaka lakas sa water ni toddler at super active, no signs of dehydration. March 9 nag start maging watery yung stool ni toddler (2yrs and 7mos). Pinag take siya ni Pedia ng Erceflora at EZinc. Pinalitan din milk baka daw kasi lactose intolerance from Nido Junior to Pediasure (chocolate at vanilla). Pina lab test na rin stool niya normal naman. Tumagal ng 1week hanggang sa naging ok. After a week, March 25 until now watery pa rin stool niya. Siguro nakaka 4x siya a day. Still no signs of dehydration. Ayaw ko naman siyang dalhin sa hospital. Bukas Sunday mag rerequest ako ng stool test ulit sa pedia niya. Hindi ako masyadong worried kasi super active ni toddler. Malakas lang talaga utot niya ngayon tas alam mo kaagad na matubig. Pasintabi sa mga kumakain. Salamat po. #advicepls #1stimemom #firstbaby

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP