Rushes ni baby
Hello po, ask ko lang ano po ba maganda ilagay sa rushes ng baby ko?? #advicepls #1stimemom #theasianparentph #pleasehelp #firstbaby
advise ko lang if nasa house. wag muna pa diaper, lampin nalang. dapat presko na mga damit. kasi halong pawis at kulob yan momsh. ingat rin sa pag lagay ng powder or cream for rashes, expect niyo na po na iiyak si baby kasi mahapdi po. best is after mag wiwi/ poops, hugasan agad with water and mild soap and airdry. get well soon bb!
Đọc thêmwag mo muna diaperan sis ,,, every ihi or dumi nia lagi mo xa huhigasan or pag katapos umihi punasan mo xa ng bulak na binasa sa maaligamdam na tubig, wag mo muna i wipes sis bulak muna paraw iwas irritate din ,,,sa apat kong anak petrolleum lang linalagay ko kinabukasan ok na uli ,, tyagain mo muna na wag diaperan
Đọc thêmmommy, hindi ako gumagamit ng wipes if nasa bahay lang. tubig talaga pinampalinis ko. and also, pag day time and nasa bahay lang hindi ako nagdiaper sa baby ko more on lampien or short lang para makahinga . tapos if ever sa cream nag mustela ako dati or yung tiny buds na for rashes.
Calmoseptine po available sa mercury drugstore mabilis po yun makadry ng rashes. Don’t use wipes po. Bulak lang at warm water tapos tuyuin nyo po mabuti bago lagyan ng cream. Palgi din po palitan ng diaper para di sya nagkakarashes. Minsan nasa diaper din po kaya madali magkarashes.
Try niyo po wag mag diaper sa umaga .. mainit din kasi panahon .. girl din po akin pag mainit po panahon hindi ko sinusuotan nh diaper , kahit lagii kami mag palit ng short okay lang para maka hinga nman yung pepe at pwet . iwas rash nadin kasi mainit pag may diaper ehh
stop po muna using wet wipes Mi, cotton po muna at water pang linis every diaper change, tap to dry lang po bago lagay ng cream like drapolene wait muna ma absorb yong cream bago maglagay ng diaper Mi. konting tyaga gagaling din po yan in a day or 2. 😊
Sakin baby powder lng yung nilagay kapag nag change ako ng diaper ni baby pero avery 3hrs ako nag change ng diaper kac takot ako sa rashes.Minsan nga kahit maliit lng yung wiwi ni baby pinapalitan ko agad ng diaper tsaka lagyan ko ng baby powder 😊
Much better hugasan mo na lang po muna ng luke warm water without soap si LO mo. Wag din mababad masyado ang diaper, nakaka UTI po yan lalo sa babae baby. Kung wipes naman gamit mo hanap ka ng wipes na NO SCENT At wag masyado kuskusin ng madiin.
Sis make sure na tuyo ang genitals at singit singit ni baby bago mo sya suotan ng diaper para iwas rashes. Then make sure din na makapag palit sya ng diaper every 2-4 hours. Wag mo na po hintayin mapuno kasi prone ang baby girls sa UTI.
Sis advice lang po ng dka gagastos. warm water lang mawawala na yan. pahanginan mo ng saglit tas warm water ulit. dont put any powder para di magmoist. tapos calmoceptine gagaling na yan dmo na need bumili ng mga mamahalin pa na gamot.