Hirap patulogin.
Hello po, 5mos na po baby ko sino po same case dito saken na hirap patulogin ang anak. Kase ung baby ko dimo malaman kung ano talaga ang oras ng tulog nya, may tulog sya last month na sumasabay na samin mag asawa tutulog sya ng 7pm tapos gising nya nasa 6-7 na ng umaga. Tapos ngayon naman mag nap sya ng 7pm tapos gigising sya mga 9pm depende pa un pag maingay ang paligid. Tapos pag nagising sya ng 9, matutulog naman sya 12am(madaling araw na). After that gising na naman ng 2am 🤦🏻♀️ tas matutulog na ng 3am tas gising nya nun 10am or 12pm na ng tanghali. Sa totoo lang sobrang hirap, diko alam kung pano ko imanage ung oras nya, kahit pa madami nagsasabe na wag ko daw patulogin ng alanganing oras para masarap tulog sa gabi. Pero pag inaantok na kase sya gusto nya na dumede tas once makadede na sya dun na sya makapikit. Gustohin mo man di patulogin pero kung gusto nya talaga matulog wala tayo magawa. 🤦🏻♀️ Ako ung nahihirapan sa tulog nya hays! 😤 Minsan mas lalo ako mainitin ang ulo dahil sa gising ng gising nya. Tips naman po pano mapatulog ng sabay ung baby, or kung ganun din po baby nyo ano ginagawa nyo?