12 weeks and 6 days
Hello po, 13 weeks pregnant na ako bukas kaso parang hindi ako buntis tingnan. Pero baka siguro konti lang nakakain ko kase sobrang maselan ako sa pagkain at parati akong nagsusuka. Meron din bang ganito katulad ko? Or sa mga 12 weeks or 13 weeks diyan, pwede patingin ng tiyan ninyo?
15 weeks ko pag nakahiga 😅 pero pag nakatayo kita na ang laki nya pero di masyado parang busog lng.
Hehe ganyan po talaga mommy nako baka pag nasa 2nd trimester kana pabigat na ng pabigat yan..☺️
7 months na tummy ko pero ang liit padin tignan pag fit lang suot ko dun halata yung tummy ko hehhe
Hah..kain kalang ng kain sis...ganyan din ako nun...20weeks natyan ko parang busog lang...
ganyan din ako nun maliit lang tyan. pero nung nag 6months na ayun na dun na halata tlga
17 weeks na po ako pero di parin halata ang baby bump. Pag nahiga ako parang flat padin.
Ganyan din po ako dati. Hehe. Hindi halata. peru nung pagpatak ng 4 months saka lumaki. Hehe
Sakin 6 months na umumbok yung tummy ko. As long as regular check up mo, nothing to worry
8weeks plang po ako pero laki po ng tiyan ko my dalang taba kc my bilbil ako dati.hihihi
ganon din po sa akin nong 1st tremister.. lalaki lang yan my huwag kang mag alala. hehee