Hello momshies!
Pasintabi po sa pic and sa mga sensitive diyaan. Don't judge me po. Pa help naman po mga mommies. Magpapa-OB naman po ako about dito pero baka may same case rin dito. Wala na hiya-hiya hahaha i-chika ko na. FTM po ako. Nung hindi pa ako buntis may ganito na akong discharge, Minsan naman watery consistency siya pero hindi masiyadong maamoy unlike now. Now po kasi preggy ako 20W, 4D parang mas dumami siya and may unpleasant smell na hindi ko ma explain. Tagos hanggang short yung smell niya. Kapag nag-do kami ni mr nakikita ko minsan sa ano niya may white cream onti and may amoy hirap i-describe talaga. Lalo na kapag hindi cotton panty ko tapos manipis lang panty ko jusko talaga. Hindi naman sobra baho O.A lang talaga ko hahahha sobrang conscious ko talaga sa sarili kapag about sa amoy ko, Lalo na kapag nakapaligid ako sa mga tao. Palagi ko na napapansin na ganon nangyayare eh. Kahit yung pubic hair ko may amoy kaya always ko tini-trim. Same sa underarm ko kapag may naggo-grow na buhok. Nagkaka amoy talaga. Kapag trinim ko na ayun nawawala amoy. Pero hindi umaabot sa point na amoy putok sa underarm ko wala ako nun ah hahahah. Hindi rin naman makati private part ko tsaka always naman ako naghuhugas every ihi and punas. Everyday ako ligo tsaka half bath. Now gamit kong sabon is dove recommend ni OB mild soap. Maayos naman hygiene ko, Hindi ako pabaya sa sarili. Why po kaya ganon? Huhu thanks sa mga sasagot. God bless po.

