MOTHER IN LAW

Pashare lang po ng sama ng loob, but before that share ko lang po yung MIL at FIL ko is both working. And yung MIL ko ever since sa apat niyang anak pinaalagaan niya lahat dahil nagwwork siya sa Parlor and and FIL ko naman ay nagwwork as Construction Worker. So ever since hindi siya nag-alaga at nagpalaki sa mga anak niya, lahat ng apat na anak niya now is malalaki na at lumaki kung kani kaninong kamag anak na laging bukang bibig halos lahat ng anak nila na hindi naman sila inalagaan at pinalaki ng mama nila. To make the story short. Yung MIL ko since nanganak ako nung October eh, weeks palang nun si LO ko sinabihan agad ako na pag nag 2yrs old na daw eh pwede nako magwork. Up until now na 7months na LO ko every time na pupunta sila dito sa house namin (nakabukod kami) or kami pupunta sakanila laging sinasabi na magwork na daw ako pagka 2yrs old. So ang concern ko is kung sila sana magbabantay no probs eh ayaw nila magstop mag work kesyo madami naman daw magbabantay. Ang akin lang ayokong kung saan saan lalake anak ko lalo pa at puro lalaki sa kanila lahat ng kapatid ni LIP ko na apat puro lalaki kamag anak nila nakapalibot doon puro lalaki eh yung anak ko babae. Isa pa kung iaasa ko kung kani kanino anak ko paano matuturuan? eh hahayaan lang naman nila kung saan saan at di matuturuan lalo sa pag aaral. First Daughter and First time mom ako. Lumaki din akong di inalagan ng mama ko at sa lola lang ako lumake, ayoko mangyari sa anak ko na iba ang mag aalaga habang lumalaki. Sa financial eh halos kaya iprovide ni LIP ko samin lahat sya na nga nagsabi na sa bahay lang ako. Dont get me wrong mga mommies ha, gusto ko din ng may sariling pera at work pero gagawin ko yun in my own way ng hindi nalalayo sa anak ko o ipaalaga anak ko sa iba lalo at babae pa to. Ayoko lang talaga na nangingialam at pinangungunahan ako ng MIL ko sa desisyon naming mag asawa. Nakakainis lang. I've been molested before nung kabataan ko ng mismong relatives kahit na nasa isang bubong lang kami. Yan ang ayaw ko mangyari sa anak kong babae kaya nga kami bumukod. Gusto ko kung kikita ako ng pera in my own way dito lang sa bahay ng hindi nalalayo sa anak ko. Pati sa pagparty ng anak ko sa First Bday at Christening nanngingialam sila kesyo gusto nila sa EAT ALL YOU CAN. Eh party to ng bata hndi ng matatanda kaya gusto ko sana sa Jollibee Party ganapin. Nakakainis lang mi, marespeto akong tao kaya hinahayaan ko lang sila pero minsan sumosobra na sila sa pakekealam nakakairita na. Nakakarindi.

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ramdam kita mi, not same situation pero I don't feel comfortable rn dito sa side ni lip. And currently 5mos preg. Nahirapan ako makisama recently, minsan iniisip ko baka ako yung may problema. Ang hirap pala ng ganito. 🥺

Thành viên VIP

Ako sis ginive up ko n work ko for 12 yrs pra sa bunso ko ngyon.. Mhirap ipaalaga sa iba ang baby ntin.. Kaya if kaya mo WFH yun na lng pra ikaw prin nak focus sa baby mo.

Influencer của TAP

push m yung gusto your daughter your rules... s jollibee m pgpartyhin anak m.. bhla sila kung ayaw nila umatend kya nga kyo bumukod pr kyo masunod

Sabihin mo sa knila,ayokong gumaya sa inyo. Tignan ko lang kung di sila manahimik😆

1y trước

Kung malakas lang loob ko sumagot mi, ewan ko lang. Mahiyain kasi ako lalo sakanila.

bihira lang tlaga swerte sa MIL..malas din ako eh 🤦

buhay mo yan anak mo yan ikaw masusunod mi