MOTHER IN LAW VS ME

Pa'rant lang mga miii 🥺 nag laba kasi ako ng mga damit ng LO ko at damit namin last wednesday. E yung MIL ko nag luto pala kahapon early in the morning gamit kahoy so mausok, yung mga damit ng LO ko and damit namin nasa sampayan pa so nausukan ayun bumaho. Then sinabi ko lang sa husband ko na sabihan niya si mama na tawagin/gisingin kami if ever na mag luluto siya sa kahoy kapag nakita na may sampayin kami para makuha agad namin sa sampayan at di mausukan. Hala yung husband ko nagalit sakin tapos sabi ako na mag lalaba mag pahinga kana lang tapos may iba pang sinabi tapos di nako pinapansin. May mali ba sa sinabi ko mga mii?? Kaya ganun response ng asawa ko sa sinabi ko? Lagi kami nag aaway pag dating sa nanay niya at mas kinakampihan niya nanay niya, hindi ba dapat kami ng anak niya mas iniintindi niya dahil may sarili na siyang pamilya? 🥺🥺

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sa opinyon ko lang to mhie ha, di ko alam kung ano yung tamang term , pero sa part kasi ni hubby mo yung ganong isyu di na pinapalaki OR baka kaya sya nagalit dahil wrong timing mo sinabi sa kanya.