PPD (Post partum depression)

para akong kandila na unti unting nauubos. kundi lang ako naaawa sa anak namin baka ano na ginawa ko sa sarili ko. di maalis sa isip ko ang pagpapakamatay. isang taon na akong nakikipaglaban sa PPD mag isa. nahihirapan na akong mag cope at magpangap na masaya.

81 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Gusto ko palakasin ang loob mo pero hindi ko alam amg sasabihin ko dahil parehas tayo nararamdaman. Gusto ko lang malaman mo na hindi ka nagiisa.. Maraming nakakaintindi sa nararamdaman at pinagdadaanan mo. Kayanin natin to. At sana maging okay na tayo. Laban lang sis. Para kay baby. Kapit lang.

Be strong po... Hindi po kme mag kasundo Ng asawa ko SA lahat Ng bagay Kaya lage nag aaway iniisip ko po mag hiwalay na Lang kme kso mga baby pa ang mga anak ko ayaw ko Naman wala sila kinagisnan mga magulang😊Kaya ito tiis tiis muna para sa mga anak😊para mag worth pa ulit ang pag sasama namin

always pray momsh.. malalampasan mo din.. i know its not easy.. but its not impossible through god.. ako pag nagaaway kami ng daddy ng baby ko.. nakikinig ako ng mga hillsongs.. nagwworship ako.. dun ko nalang nilalabas yung sama ng loob ko.. lalo na LDR kami ni hubby..

Thành viên VIP

Try to have a heart to heart talk with your husband. Let him know yun pinagdadaanan mo para maintindihan ka nya. Never let your emotion rule over your being. Pray and ask God to help you overcome PPD. I am sure he will enlighten you.

Sis hindi worth it pakamatayan ang taong ganyan.talo ka lalong lalo na ang baby mo.malalampasan mo rin yan.wag kang magpanggap na masaya ka.magsabi ka sa pamilya mo or bestfriend mo.be strong.pray pray pray pero wag ka na umasa sa kanya.

Thành viên VIP

Virtual hugs! Mas maganda isulat mo lahat ng nararamdaman mo sa asawa mo, parang diary. Maari mo ibgay sa kanya kapag handa ka na o kaya isang way to mommy pagsusulat para mabawasan sakit na nararamdaman mo. Virtual hugs mommy.

Pray lang sis wag ka panghinaan ng loob at wag ka padala sa ppd maawa ka sa anak mo.. hanap ka may sense kausap uung positive thinker panget kase kasama ung puro negative vibes.. sis pray lang kung kelangan mo kausap chat kalang

Mommy, don't hesitate to seek medical help if you need to. Merong free sa UERM but ofcourse kailangan mo lang magtiyaga pumila. It's okay not to be okay. 🤗 And pray, it helps too. Praying for you, mommy. ❤️

stay strong sis.. pray lang po lagi dapat palagi ka may nakakausap at nasasabihan.. mainam makausap mo dn ng maayos asawa mo iexplain mo sknya pinagdadaanan mo

Thành viên VIP

Stay strong...baka lack of communication lng...sabihin mo sa kanya anu nararamdaman mo...kxe mai mga lalaki na d alam kng anu nraramdaman nating mga mommy..