normal lang po ba sa 7 months na buntis ang 2344?
pano po kaya i convert sa kilo yung timbang ni baby
2kg 344g na, Diet na mi.. kasi pag nasa 7months na daw mas mabilis lumaki si baby sa loob, di bale na daw maliit pag labas, mabilis lang naman mag palaki ng baby pag ka panganak.. para di ka din mahirapan. 7months din ako now, at 1,300 lang si baby ko sakto lang na mag 2,500 siya or kahit mga 2,900 pag pinanganak ko na siya, para di rin mahirapan to give birth, kasi may 2months pa tayo. no rice nako sa gabi more on gulay at meat, lunch lang at bfast ako nag kakanin pero tinatakal na, hehe more water bawal na masyado sa matatamis, or kung pwede nga daw wala ng sweets muna gang manganak. 🙂 ganyan din ginawa ko sa 1st baby ko, 2.900 lang siya nung pinanganak ko kasi pinag diet nako ng 7months, kaya nung nanganak ako di ako napunitan di rin ako ginunting 😄 wala akong tahi sa baba kaya bilis kong naka recover, bilis nag hilom ng dinaanan ni baby ☺️
Đọc thêmAsk nyo po si OB about sa weight ni baby kase mejo malaki na sya. 1.7kg po akin 8months. tama po nasa comments iwas po sa matamis nakakalaki po yun ng baby and baka magka gdm po kayo or tumaas ang bloodsugar nyo
1.6kg si baby ko mi at 30 weeks, ang laki po ni baby nyo mi hehe, pero if cs kayo baka okay lang yon. pero of mag normal ka mi baka mahirapan ka naman
Hindi naman po siguro ako i ccs kung kasi cononvert ko sya is 2.3 sya ganun
Nung nanganak ako sa panganay ko sakto 36 weeks 2.4Kgs ... 7 months plng po kayo, diet po at baka mahirapan kayo magnormal delivery
pwede ba matulog sa tanghali? kasi sa gabi di ako komportable matulog kasi nag lilikot si baby sa tummy ko.
mi ang laki ni baby 7 months din po ako 1.2kg si baby normal lang yung bigat na 1.2 sa 7 months sabi ng ob ko.
28weeks ako nagpaults 1.2 kg pero sa app dapat 1kg lang oks lang mag excess sya ng 297gms mi?
malaki po yata mommy sa 7 months si baby. nung saktong 28 weeks po ako nasa 1.2kg pa lang sya.
sa akin po twin boys 27 weeks and 4 days sila nung nagpaultrasound ako 1.2kl at 1k silang dalawa
2344g is 2.344kg. kindly check your pregnancy tracker dito sa app.
damihan mo ung healthy food like gulay at prutas. pwede ka mag-oats. need pa rin ni baby ng nutrients mula sa kinakain mo. iwas na lang muna sa matatamis, un ang nagpapalaki kay baby.
26 weeks and 5 days normal lang poba na 941 grams si baby o maliit po?
Thankful Everyday