UTANG

Pano ba gagawin ko mga sis. Eto kasing kumare at kumapare not so long time friend nung wala pa kami kids nangutang before. Take note 1 pa lang anak nila. Humiram kay hubby ng 500. Tapos hanggang sa nagkababy na kami ni hubby umuutang na naman sila ng 500 kesyo kung anu-ano dahilan sumasakto wala pera si hubby minsan ayoko payagan kasi nga di binabayaran. Then one time sabi sanla ng laptop 500 daw sabi ko noon for graduation fee yung pera ko isauli agad. Sakto umalis ako bahay para kasi pupunta ko school. Pag uwi ko 1k na pala hiniram ? pero binalik naman kasi sabi ko need ko yung pera. Then and then panay utang kesyo si ganito, ganyan. Bayaran agad sa sahod di ako pumapayag tuwing sasabihin ni hubby na umuutang nga. Tapos ngayon nabasa ko sa messenger ni hubby nangutang na naman sakto may pera siya bukas and pumayag siya. Naiinis ako sinabihan si hubby na, sige pautang tapos mamaya di na naman bayaran. Well di pa siya nagrereply kasi nasa work siya as of now. Ang sakin lang wala kaming assurance na magbabayad. Si hubby kasi di marunong mangulit magbayad un may utang sa kanya. Pano pag kami nangailangan may mapapahiram ba sila? Kaso di naman kasi namin ugali mangutang, kung baga budget talaga yung sapat sa needs namin. Hays mga sis pano to.

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời