OA daw akong nanay ?

palabas ng sama ng loob mga mamsh. sabi ang OA ko daw kasi konting sakit lang daw ng anak ko dinadala ko na sa doctor nya. kunware mga mamsh pag naka 3 days na nilalagnat si lo kinabukasan nakacheck up na kagad sya sa pedia nya o kaya kahit 2 days lang basta umabot ng 40°C dinadala ko na sya sa pedia nya kasi takot ako baka mag kumbulsyon sya lalo na sa gabi baka mamaya mapasarap tulog namin di namin mapansin si lo. katwiran ko po kasi di na baleng gumastos ng maliit kesa antayin ko pang lumala bago ako gumawa ng aksyon. turning 2 palang po lo ko. yung anak po kasi nila pag nilalagnat at inuubo pinupunasan lang nila tapos ipapahilot hanggang gumaling turning 7 na lo nila. ayoko namang ganun kasi andaming sakit ngayon na naglalabasan. Pagiging OA na po ba yun mga mommy?

52 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mahirap po palalain ang sakit ng bata, dble ng OA kesa magsisi bandang huli.. yaan mo sila momsh, mga pakelamare ndi naman nila pera ung ginagamit nyo pampagamot. Ang anak mo po intindihin mo, nag aalala kalang naman sa kalusugan ng anak mo ee

Wag mo sila pansinin sabi nga nila "Mother knows best" Kaya kung anong way ang gusto mong pagaalaga sa anak mo as long as wala kang naapakan na tao. Ayus lang yan sis. Kumbaga ikaw alerto ka lang. Mas okay Yan diskarte mo for me..

mamsh ubshould be a proud o.a mom. ibig ssbihin maagap tayo at concern kay baby. hindi nmn sila yu g nahihieapan kapag may sakit si baby kaya deadma lang mamsh tsaka hindi sila gumagastos sa check up kaya mNahimik sila

hindi po..tama lang un mommy na dalhin mo agad sa pedia si baby, ang hirap kaya maparanoid atleast alam mong safe si baby..hayaan mo lang ang sinasabi ng ibang tao. anak mo naman yan wala silang pakialam diyan

Naku marunong pa sila, hayaan mo sila. Tama lang ung ginagawa mo, ganyan din gagawin ko kung nangyari sa anak ko yan. Keber ba nila, di naman nila pera yon hehe. Nakakainis yung ganyan mga pakielamera.

Thành viên VIP

okey lang yan sis wag mo silang intindihin, mas ikaw parin nakakaalam kung ano ang nakabubuti para kay lo. di ka naman nanghihingi ng pangdoctor sa kanila bakit ba pakialam nila hahaha. just saying! :)

Influencer của TAP

Tama lang po yung ginagawa mo sis. Hindi naman need na kung ano yung practice nila ganun rin dapat sayo. Para sa ikabubuti rin naman po ng anak mo kaya tuloy mo lang sis. wag ka nalang papaapekto.

Thành viên VIP

Hindi po. Tama lang po ang ginagawa niyo. Tignan niyo nga yung artistang bata na namatay sa dengue, binalewala lang nung magulang yung lagnat niya. Dinala nila yung bata sa ospital kritikal na.

5y trước

kaya nga mamsh andami ko ding nakikita sa fb kaya todo alaga ako

Hindi po OA yun. 40 degs na lagnat is considered fatal na sa bata. Wag mo nalang sila pakinggan kung hindi naman sila ang gagastos para sa anak mo. Always follow your motherly instinct.

nako mamsh wag mo sila intindihin, ikaw mommy syempre ikaw nakakaalam nyan wala silang pake di naman sila mapeperwisyo pag lumala sakit ni baby, wala naman sila matutulong sayo kaimbyerna sila

5y trước

kaya nga mamsh eh galing galing nlang magsalita sa oras naman na lumala di naman nila kami matutulungan