Ayaw Magpakasal ni Partner

Pag tinatanong kami ng ibang tao lagi sagot namin ipon muna kami for baby namin bago atupagin ang kasal. Pero pag kami na lang ang sinasabi nya sakin ayaw nya magpakasal kasi sa tingin nya for formality lang daw yun, minsan magbibiro pa sya pag napapanood namin yung mga mag-asawa na nauuwi sa Tulfo "Ayan kaya ayaw ko magpakasal kasi pag nag-away tayo ipapatulfo mo lang ako". kesyo daw di din naman nagpakasal mga magulang nya, pati yung ate nya kaya di sya sanay sa konsepto ng pagpapakasal. Di na lang ako umiimik kasi alam ko naman na nabanggit ko sa kanya pangarap ko pa rin ang ikasal syempre. At ayaw ko na lang rumebat ng" Kaya yung tatay mo lakas ng loob na niloko nanay nyo pano hindi nakatali". Ano po ang opinyon nyo mga mommy kung marinig nyo sa partner nyo na ayaw nya magpakasal.

42 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hay naku ganyan mindset ng ex ko. ngayun ang motto na nya, di xa titigil mambabe hanggat di xa kasal 😂 btw 3 na anak nya sa misis nya pero dipa din sila nakakasal

Ang pag papakasal at isang katibayan n nagmamahalan kau..Hindi legal Ang isang rel pag may anak Kay n d kau kasal...isang malaking kasalana Po un sa Dios .😣

for me po kung ayaw nya din pala akong pakasalan let go na...i deserve someone better than him...yung paninindigan ako hanggang huli dala dala apelido nya ...

ayaw ng kasal kasi ayaw matali. mukang something's fishy.. usually kasi sa lalaki, pag mahal na mahal nya yung jowa nya at ayaw na pakawalan, pakakasalan nya

So gusto nya, makuha sayo yung obligasyon ng pagiging asawa pero ayaw nyang matali? Galing. Gusto nya pasarap lang? Kung ako sayo magiisip isip na ko.

Thành viên VIP

Hahahaha saken okay lang.. May freedom pa ako.. Kung magloko man cya di nya mahahabol anak nmin kahit nakaApelido sa kanya😂😏

ganyan din ung partner ko, ayaw Niya pa magpakasal kami dahil baka sa tulfo lang daw ang uwi 😂 at Hindi pa daw siya ready 😢

Thành viên VIP

hmm baka kasi may pinakasalan na siya nun pa? di kaya? for me mas okay na kasal kayo dahil yun ang tunay na pinagbuklod ng Diyos

Thành viên VIP

Nakakalungkot naman kung ganun ang konsepto nya sa pagpapakasal.. why build relationship without goals and dreams?

all girls pangarap natin ipakasal sa maging partner natin in the future ..peru kung wala pa buget ipon muna..