Panliligaw ni hubby
Paano mo sinagot ng "Oo" si mister noong nanliligaw siya sa'yo?
Nakatambay kami noon sa apartment nya tapos nagigitara sya. Tinanong nya ako kung ano na ba kami. Sabi ko, ano sa tingin nya, tapos nung sinabi nyang kami na, tumango lang ako ☺️❤️
2 months nanligaw, tapos nung tinanong na niya ako. Hindi oo sinagot ko. Sabi ko "sige subukan natin" Ayon mag 10 years na kami together this coming June. 7 yrs na din kaming kasal. ❤
nsa barko kme nun ee. aba dun na sa cabina ko umuuwi mabait naman kasi minsan nakakahiya paalisin kapag matutulog nako aalis naman kaso naalimpungatan ako may katabi na bumabalik pala 😆😆😆
Sa manila kmi nagkakilala through friend ko pro sa Pampanga tlga sya nkatira. Kaya phone yung naging paraan sa amin. Months ko din sya pinaghintay tska ko na cnagot nung nkita ko nmng seryoso sya.
thru text.hahaha😂😅 ang kulit at nagtanong ulit e. bawal pa kasi ako magbf nun at childhood sweetheart naman kami. e pasaway ako, kaya go na pero secret lang muna.haha!😜😅
Đọc thêmSabi ko yes na bago sya umuwi after nya kong ihatid sa bahay. At kapag di nya na-gets, kalimutan nya na lang yung sinabi ko. Tapos bigla syang napangiti, sabay yapos sakin. 🤣
sa luneta, inaway ko muna siya a day before bago ko siya sagutin. Napaluha kasi akala niya pahihintuin ko na siyang manligaw dahil magkaaway kami hehehe
Sa personal. Almost 3months nanligaw and nung namasyal ako sa house nila, hindi niya inexpect na sasagutin ko siya at naiyak pa.😂💛
Hindi siya totally nanligaw. Basta sabi niya lang once na dinala ko siya sa bahay nmin, kami na.. So ayun, dinala ko siya. Almost 1 year na kmi. 🤭
nagtanan kami😂 sobrang dami ng problema sa bahay namin kaya umalis ako at sumama na sa kanya. Di naman ako nagsisi