Breastfeeding problem

Pa help po mga mommies jan, ito po nangyari, nung 2 weeks palang ang baby ko pina stop ko syang mag dede sa akin pina bottle feed ko sya , pero nung nag 1 month na sya pinabalik ko sa pagpapa dede sa akin kasi madalas syang iyak nang iyak, kaso lang pag dumedede na sya sa akin, saglit nalang tsaka umiiyak sya kasi siguro hindi na sya malakas mag supply, hanggang sa na stop na naman at ngayon ibinalik ko na naman pagpapa breastfeed kaso napansin ko pag unang sipsip nya may lalabas pa pero pag matagalan na kakasipsip nya iiyak na sya kasi wala ng masipsip maliit nalang lalabas na gatas, pero palagi akong umiinom ng mga may sabaw tsaka umiinom din ako ng tabletas na pangpa gatas, kaso lang yung tinatawag nilang "GUTOK" yung titigas ang dede ba, hindi na sya katulad nung dati, laylay na sya tsaka di na sya sobrang tigas, may tutulo lang na gatas tapos mawawala rin agad tapos pag pipisilin ko maliit lang na gatas lalabas. Pa help po ano ba dapat kung gawin para manumbalik ang gatas ko para ma breastfeed kuna sya hindi na mag mix. Please pa help po ako sa mga may experience na sa problem ko pa help kung ano solusyon. Magagalit kasi sya pag nagdede sa akin kasi wala syang masisipsip tsaka laylay din para talagang walang laman ba.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So kahit anong malunggay nyo, kung hindi nagdedede si baby, it's no use. Kaya no. 1 na nakapagpapawala ng breastmilk is ang pagbibigay ng formula. The more na magbigay kayo ng formula milk, the less breastmilk ang kakailangin ni baby kasi mabubusog na sya agad sa fm. Therefore it will signal your body to produce less milk. And soon enough, mawawala na ang bm nyo. Gawin nyo po muna ay magpump kayo para mastimulate ang milk production nyo, regularly dapat, every 2-3hrs. iwasan lumagpas ng 15mins per session/ boob. Continuous pa rin ipalatch si baby, hanggang sa maging sufficient na ang milk supply nyo. Tiyagain nyo na lang po muna. Yung pumped milk, ipainom kay baby, recommended na by cupfeeding to avoid nipple confusion. Reminders: Ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's OUTPUT (poops, wiwi, pawis), at NEVER sa dami ng napu-pump/ pisil or paninigas/ laki ng dede. - Kapag umiiyak or iritable si baby, it doesn't always mean din na gutom sya ☺️ If fussier than usual, consider possible Baby Growth Spurt - Babies don't only nurse on our breasts for feeding purposes but for comfort as well. I highly recommend po na magjoin kayo sa FB grp na "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group on breastfeeding ☺️ (https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/)

Đọc thêm
3mo trước

same case sa akin, 1 week na nawala bm ko 🥹 gusto ko na ulit mag bm kay baby kasi mahal ang formula, sana bumalik na