Just sharing my experience as a first time mom nung nanganak po ako.

Overdue po ako 40weeks & 3days, without any contraction or sign ng labor kaya nagdecide na po kami magpainduce since firstchoice namin na mainormal si baby. halos 24hours mahigit akong nainduce and sobrang worth it yung sakit kasi nagopen yung cervix ko ng 9-10cm. sa delivery room almost 2hours hindi ko mapush si baby kasi nawala yung contraction. nakakapressure kasi pinagdedecide na ako na kung kaya koba umire, kung kaya koba ilabas si baby, maytime pa na madidinig mo yung nurse na sasabihin na hindi ka marunong umire, kesyo kung CS ka 1hour lang tapos kana manganak. then nakita ko nagpalitan na sila ng shift at ibang nurse na yung nagassist sakin, dumating nadin yung doktor na dapat na mag CS sakin. but they check me first and asked me. kung kaya kopa? sabi ko oo kaya kopa pero wala padin hilab or any pain para makaire ako. pero sobrang hanga ako sa nga nurse at doktor nung time nayun kasi pinalakas nila yung loob ko. after 1hour nainormal ko si baby. kaya as a first time mom, importante talaga yung nurse at doktor na tiwala sa mga mommy at sobrang patience na makakaya natin.

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

totoo mommy natagalan din ako dati bago malabas si baby, sabi sakin ng doktor mabobobo daw yung baby ko kasi ang tagal ko daw sya malabas. tapos makikita mo yung staff na labas pasok sa room na parang naiinip na. 🥲base on my experience sa private hospital

very true, I hope my doctor and nurse ganyan dn attitude, as 1st time mom overthinker pa tau and sometimes not enough idea natn so I hope they are considerate and nice para magng successful ung delivery hnd matakot ung patient hehe🙏🤍

good job Mami 👍🏻👏🏻🎉