Nung buntis kayo, naiiyak din ba kayo at nalulungkot na walang dahilan?
![profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
sobra :( minsan di na lang ako pinapansin ng asawa ko na lalong nakakapag paiyaj sakin hahaha
Yes po dahil sa hormones. Nagugulat nga asawa ko minsan kasi makikita nya nalang umiiyak nako haha
Yes sis! Sobra emotional. Konting bagay iyak. Sobra sensitive ganon ata talaga baliw pag buntis
sobra po tapos magiisip ako ng kung ano ano pero dapat po iwasan yun kasi makakasama kay baby😊
Yes po. Kahit nakakatawa yun palabas, parang nakakaramdam ako na bigla ako naiiyak at nalulungkot
Yes po lalo na nung first trimester, normal lang daw dahil sa hormonal changes nating mga buntis.
Yes.. yung nonsense na pagkaubos ng feminine wash namin sa toilet ay iniyakan ko ng bongga.
Oo. Nakakaasar feeling ko mukha akong ewan na rrealize ko ngayon mga pinag ggawa ko nun heheheh.
yes po iyakin ako nung nagbubuntis ako. sabi nila normal lang po yun sa buntis masyado emotional
May dahilan actually, pero petty lang, medyo hype lang talaga emotions naten while pregnant 😊
B A B Y G I R L