SOBRANG LIKOT NI BABY
Hello NOVEMBER MOMMIES. Normal po bang sobrang likot na ni baby na parang 24/7 na ang pag sipa. Lalo na pagtapos ko kumain. Nagigising na din ako sa madaling araw sa lakas ng sipa nya. Nag woworry lang ako baka may kakaiba na sa loob nya. Pumunta ko OB ko today. Kaso tom pa pala sya avail. Sino po may same experience here? FTM here @27weeks and 1 day
Yes mas ok na active kesa sa hndi ☺️ mag 29weeks nako sa monday siguro dahil sa brixton kicks nya kaya para akong pagod na pagod kahit na wala akong ginagawa masyado sa bahay 😅 tas mas masakit na yung bumabakat sya may heartburn na rin ako ngayon ☺️
It's normal po ☺️ sabi ng ob ko.. Mas better po na malikot sya at ramdam na ramdam mo sya kesa hindi gumagalaw.. As long as walang unusual discharge and walang masakit normal lang naman daw po yun.. 26 weeks po ako team November din 🥰
Hello! Same here po. Pero I think its normal pag malakas mag kick ibig sabihin daw healthy si baby. Mag kick count din po tayo if nagstart na 3rd trimester. May kick counter po sa app na ito.
yes akala ko ako lg nakkaramdam lagi nag sisipa sa first born ko ni wla ako maramdaman na galaw dito sa 2nd ko after 3. years grabi kung sumipa
So glad na lahat tayo may mga strong kicks from our baby! Lapit na tayo. Prayers for all of us 🙏🏻🙏🏻
same tayo Mie, Lalo na kapag bagong kain at before matulog napaka active. 25 weeks na sya now
same tau mi...halos nd rin aq mktulog sa sobrang likot ni bby....😁☺️☺️
Same. parang di nagpapahinga 😂