Nagseselos ako kapag may ibang taong close sa anak ko. Wala akong choice kasi nagtatrabaho ako.

Normal lng po ba na makakaramdam ako ng selos sa ibang tao? Pag inuuwi nila yung anak ko sa bahay nila para makipaglaro, lalo nong wala kami pareho ng asawa ko. Kasi nasa manila kami nagtatrabaho. Sila yung mga nag-aalaga sa anak ko, kahit sa magulang ko, pinaalaga rin namin ang anak ko. Naging malapit ang loob ng anak ko sa kanila at nong umuwi na kmi, nakikita kong bihirang pumunta ang anak ko sa amin kasi pag nakikita sya ng anak namin pumupunta sya dun sa tao na yun. Nanay din po sya na may anak pero hindi sa kanya galing. Hindi ako natutuwa sa tuwing magpapansin sya sa anak ko, feeling ko inaagawan nya ako ng atensyon sa anak ko at hindi sya sensitive sa feelings ko bilang magulang. TY❤️ #howtobecomeagoodmother

8 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Para po sa akin ay normal po ang nararamdaman nyong selos but I hope you wouldn't take it personally against sa tao na iyon or sa anak nyo. Hindi lang po talaga maiwasan dala ng sitwasyon pero sana rather than selos ay matutunan nyong mapalitan ang damdamin nyo ng pasasalamat, lalo na kung maayos at maganda naman ang trato nya sa inyong anak. Ako rin minsan ay nagtatampo kapag may times na mas gusto o hinahanap ng anak ko ang yaya nya, pero I don't take it against kay ate. Rather, na-appreciate ko at nakikita ang pagmamahal at malasakit na ibinibigay nya sa anak ko. And that also motivates me to do better as a mother at mas makipagbonding sa anak ko ☺️

Đọc thêm
1y trước

cguro kasi depende sa sitwasyon. saken kasi magiging full time mom na ako, and ang gusto ko sana bigyan nya ako ng time na ako naman ang makakasama ng anak ko at ako na rin ang magdidisiplina. may times kasi kahit nagpapakain ako sa anak ko, tatawagin nya so yung anak ko pupunta din sa kanya, minsan kinukuha nya ng walang pahintulot sakin. nakakawala ng respeto for me. ty po sa comment