masakit yong singit at balakang tuwing pagka ginabihan 33 weeks

normal lang po ba ito nag wworry lang po ako if okay lang rin ba si baby sa tiyan ko🥺 please sana may makasagot. nahihirapan ako matulog kasi masakit singit ko tska balakang kapag gabi talaga siya naiinda ko minsan naman hindi po tska pagpapalit ako ng pwesto left/right nahihirapan ultimo pagbangon hirap po kasi feeling nabibigatan parang mababali kaliaang braso ko haha nagwworry lang po para kay baby salamat po. #first_baby_ #firsttimemom

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Normal lang yan sis.. bumibigat na kais si baby mo, may pressure na sa balakang at singit. ganyan po ako until now..hinihila na nga ako ng asawa ko pag babangon.. pero sinabi ko pa rin yun kay OB ko nung check up ko last time para lang sure kahit na normal nga lang talaga... :) Gumagamit ako ng maternity belt pag galaw ako ng galaw sa maghapon (since nakaleave na ko) kaya yung simpleng gawa sa bahay, magagaan lang ako na gumagawa, then sa gabi ayun dun ako nakakafeel ng mabigat sa balakang at singit.. hinay hinay lang daw ako sa galaw sabi ni OB ko kasi sa work ko bago magleave tagtag na ko kalalakad talaga..

Đọc thêm
2y trước

thankyou po ♥️

common yan kasi lumalaki na si baby at thr same time ung pressure nasa baba na kya ganyan. Pero muvh better to consult ur OB

2y trước

thankyou po♥️

Need mo pp vitamins na Calcium ganyan dn ako nung 6 mos ako ngayon hindi na nasakit. 2x a day recommend ni OB.

nung ganto po ung naramdaman ko, 3cm na po pala ako... 33 weeks din..